• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin reacts on Julia Montes reunion with her German father

Coco Martin reacts on Julia Montes reunion with her German father

Coco says he is very happy that his and Julia Montes’ fans made the actress’ lifelong dream come true.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/6/2017 6:01 PM
Coco Martin reacts on Julia Montes reunion with her German father


010617-CocoMartin1_PUSH.jpg

Looking forward to another positive year ang Prime Time King at ang Idolo ng Masa na si Coco Martin. Masaya kasi ang aktor sa pag buhos ng blessings sa kanya noong 2016.

Kabilang sa pinagpapasalamat ni Coco ang patuloy at mainit na pag tanggap ng mga tao gabi-gabi sa maaksyong buhay ni Cardo Dalisay sa “FPJ's Ang Probinsyano.”

Lubos din ang pasasalamat ni Coco para sa tagumpay ng kanyang pelikula ni Vice Ganda na “The Super Parental Guardians” na tumabo sa takilya ng mahigit kalahating bilyong piso at itinuturing na highest grossing Filipino film of all time.

Kahit naging successful ang kanyang mga proyekto nanatili pa din na simple ang aktor lalo na para sa pag papasaya para sa sarili. Kwento ni Coco niregaluhan niya ng bike ang kanyang sarili bilang remembrance sa kinita ng kanyang pelikula.

"Bike. Kasi pangarap ko lang kasi pag umaga tatakbo, mag ba-bike ganun, yung mabigyan lang ako minsan ng isang araw na magawa ko yung mga simpleng bagay na yun, masaya na ako," pagbabahagi ng aktor.

Bukod sa pang sariling regalo mas ikinasaya ni Coco ang naging magandang regalo ng mga fans nila ni Julia Montes na silang tumulong upang magkita ulit ang aktres at ang kanyang German father. Hindi pa kasi nakikilala ni Julia ang kanyang ama, na umalis noong siya ay baby pa lamang.

"Matagal ng pangarap ni Julia yun e, talagang yun yung kulang sa buhay niya ang makilala ang father niya, biruin niyo 21 years tapos never niya pang na meet ang daddy niya. Finally nabalitaan namin through sa mga fans namin, sila gumawa ng way, sila ang humanap. Hanggang sa finally natupad yung pangarap niya," kwento pa ni Coco

Sabi pa ng aktor naiiyak siya sa tuwa ng nag umpisa niyang nakita ang mga larawan ni Julia kasama ang ama nito.

"Siyempre po napaka sarap sa pakiramdam. Sabi ko nga parang nakita ko nga lang yung mga pictures doon sa IG (Instagram) parang naiiyak na ako kasi alam ko kung gaano kahalaga yun para sa kanya noong time na napag ku-kwentuhan namin yun, kaya happy ako para sa kanya," sabi ni Coco.