• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Miss Universe PH Maxine Medina’s family gives messages of support

2016 Miss Universe PH Maxine Medina’s family gives messages of support

Maxine Medina asks for support and prayers for the upcoming Miss Universe pageant.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/6/2017 9:10 AM
2016 Miss Universe PH Maxine Medina’s family gives messages of support


010617-MaxineMedina_PUSH.jpgIsang sorpresang salo-salo ang inihanda ng pamilya, mahal sa buhay at supporters ni 2016 Miss Universe PH Maxine Medina para sa nalalapit na paglaban nito sa Miss Universe pageant na magaganap dito sa Pilipinas simula January 15.

Ang mga magulang ni Maxine na sina Marife at Maximo Medina, doble ang kaba na nararamdaman sa tatahakin ng kanilang anak. Ang ina ni Maxine, walang tigil ang pagbibigay ng comfort sa anak na beauty queen.

"Nandiyan lahat ang emotion ng isang magulang. Nevertheless, I always tell her to pray because everything will be in place kapag nagdadasal ka eh."

Ang ama ni Maxine, positibo na hindi mabibigo ang kanilang anak sa laban nito. "We always pray and go to Baclaran and light a candle if we have time basta think positive lang."

Beauty queen din ang dating ng bunsong kapatid ni Maxine na si Ferica na witness sa sakripisyo at puspusang training ng kanyang kapatid. "We are very positive about this. Talagang pinaghahandaan ito specially dito gagawin sa Pilipinas and ayun binibigyan namin ang hundred percent support to my sister."

Kaya naman dasal at suporta ang hinihingi ni Maxine mula sa ating mga kababayan para sa kanyang Miss Universe journey. "I’m hoping that you will be there for me on January 30 in MOA Arena 8 am. So please pray for me!" Kung makukuha ni Maxine ang 2016 Miss Universe crown, ito ang unang back to back win sa Miss Universe ng isang Asian country.