• Home
  • Fresh Scoops
  • Jonas Gaffud speaks about why he trains beauty pageant contestants from other countries

Jonas Gaffud speaks about why he trains beauty pageant contestants from other countries

Jonas Gaffud wants to the world to take notice of Asian beauty.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/5/2017 10:12 AM
Jonas Gaffud speaks about why he trains beauty pageant contestants from other countries


010517-Gaffud_PUSH.jpgAll eyes ngayon ang mga pageant lovers kay Miss Universe Philippines candidate Maxine Medina para sa nalalapit na laban nito na idaraaos sa bansa.

Dahil dito, nakatutok din ang karamihan sa ginagawang training ng iba’t-ibang kandidata na kalahok sa Miss U na ikinukumpara naman sa ginagawang training ng pinay beauty.

READ: Maxine Medina now undergoing nonstop training for Miss Universe

Kamakailan naging mainit din ang diskusyon ng ibang mga pageant fans sa social media si beauty queen maker at expert na si Jonas Gaffud tungkol pagbabahagi niya ng kanyang kakayahan sa ibang mga kandidata lalo na sa mga bansang kalapit ng Pilipinas.

"I think we have to open our country for our talents na parang hindi naman tayo dapat maging madamot sa ibang bansa kung gusto nilang mag-train. [Number 1, dati nagtra-train sa ibang bansa,] nagpapadala din naman tayo ng candidates doon like Miriam Quiambao," pahayag ni Jonas sa media appreciation dinner ni Maxine Medina noong January 3.

Ayon pa kay Jonas, hindi dapat ipinagdaramot ang kakayahan ng isang tao para sa mga taong may kailangan nito.

"So I think dapat kung may opportunity for us to train other candidates [from] other countries ipakita natin ang talent natin in beauty pageant. Let's be selfless at huwag tayo maging madamot especially for us Asians."

Hangad din daw ni Jonas na makilala at iangat ang antas ng mga Asian sa buong mundo.

"Gusto ko kasi magkaroon ng pagtingin ang mundo na magaganda ang asyano, so kailangan natin talaga itaguyod ang ating lahi para sa asyano. Kung magpapaturo sila, magpapaturo sila. Huwag tayo mag-close ng doors natin sa kanila dahil at the end everything is connected to everything we are neighbors," saad pa ni Jonas.

Humihingi din si Jonas ng mas malawak na pang-unawa para sa mga fans na iwasan ang mang-bash dahil ang tanging hangad lamang niya ay ang magbahagi ng kanyang kaalaman sa mga dalagang may pangarap.

"Kung may issue regarding kay Miss Indonesia, sana maging okay nalang lahat. ‘Wag mag inggitan at ‘wag mag away-away lalo na ang nga fans. Dahil kung malalaman lang natin mga kuwento ng bawat isa like Miss Indonesia not because I trained her. Nakilala ko siya na para siyang si Venus Raj na isang simpleng dalaga na may gusto din naman marating. Hindi lang naman tayo ang may gusto marating lahat din naman tayo," pagtatapos ni Jonas.