• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Volleyball player John Vic de Guzman reveals how he got his first acting role in ‘Seklus

EXCLUSIVE: Volleyball player John Vic de Guzman reveals how he got his first acting role in ‘Seklus

John Vic de Guzman says acting is similar to playing volleyball.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/5/2017 9:40 AM
EXCLUSIVE: Volleyball player John Vic de Guzman reveals how he got his first acting role in ‘Seklus


010517-JohnVicDeGuzman_PUSH.jpgAng Metro Manila Film Fest movie ng Reality Entertainment na Seklusyon ang naging “baptism of fire” ng sikat na volleyball superstar na si John Vic de Guzman para pasukin showbiz. Ayon sa 23-year-old varsity player ng St. Benilde at member ng Philippine national team, first acting experience niya ang Seklusyon kaya hindi niya raw ito makakalimutan.

“Actually nu’ng bata ako sa mga napapanood ko sa TV, sabi ko, sana someday ma-try ko rin yung umaakting na napapanood ko. Kaya nung dumating itong Seklusyon, parang dream come true sa akin na finally, masusubukan ko ring umarte,” pagtatapat sa Push.com.ph ni Johnvic na gumanap bilang isa sa apat na deacons sa Seklusyon.

“Nung nagpa-audition nga sila for the role, hindi ko ini-expect na papasa ako kasi first time ko yon so wala akong any idea kung paano umarte. Basta kung ano lang yung na-feel ko don sa pinabasa sa akin, yon lang ang ginawa ko,” kuwento pa niya.

Para kay John Vic, parang paglalaro rin lang daw ng volleyball ang pag-arte.

“Nung nandon na ako sa mismong workshop, parang volleyball lang din (ang acting). Kailangan mong i-practice, kailangang makuha mo yung loob ng mga kasama mo sa team hanggang sa maging confident ka.

“Nung actual shoot, sa first few days ng shooting namin medyo nati-tense pa ako. But then after nung sumunod na, yon parang kampante na ako,” pahayag pa ng binata.

Dagdag pa ng binata, na-train na raw siya kung paano mag-persevere sa sports kaya alam niyang makakayanan din niya ang showbiz.

“Sa volleyball kasi, importante kung paano ka maging optimistic, kung paano paano mo papagandahin yung mga pangit na nangyayari. Yung pasensiya mo, saka yung tiyaga talaga.

“Hindi dapat mawawala yung tiyaga, eh. Yon talaga yung pinakaimportante. At saka siyempre, yung respeto sa ibang tao. Sa tingin ko, ganu’n din naman dapat ang maging attitude ko palagi kahit pa sa showbiz.”

Handa na rin daw siya sa mga intriga if ever.

“Magiging handa ako. Kasi sa mundo ng volleyball kasi may mga ganu’n ding intriga, tungkol sa gender, ah yan, parang bakla yan. Pero sa akin, kung papatulan mo sila, wala namang mangyayari, eh, so better na huwag mo na lang silang patulan, dedma ka na lang sa kanila,” sey pa niya.

Samantala, aminado si John Vic na si John Lloyd Cruz ang iniidolo niyang actor kahit noon pa.

“Every time na napapanood ko siya sa mga pelikula, sobrang galing niya talaga,” sey pa ng matinee idol in the making.

Graduating si John Vic sa St. Benilde sa kursong Human Resource Management ngayong taon at dahil matatapos na sa pag-aaral at sa pagiging varsity player ay balak niya raw munang ipagpatuloy ang pag-arte.

“Kung meron talagang opportunity dito sa pag-arte, igo-go ko na. Kasi iba rin yung experience, eh, habang bata pa. And I’m really thankful sa kinalabasan ng Seklusyon, kay Direk Erik (Matti) at sa naging pagtanggap sa akin ng mga tao. Salamat po talaga,” pagtatapos niya.