Sharon Cuneta releases her comeback single 'Hanggang Dulo'

Sharon Cuneta has a lot of projects lined up to start 2017.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/4/2017 9:50 AM
Sharon Cuneta releases her comeback single 'Hanggang Dulo'


010417-Sharon_PUSH.jpgExcited na ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang unang patikim sa kanyang pagbabalik sa recording scene sa pagbubukas ng 2017.

Habang nag-eenjoy sa kanyang vacation sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya, nagkaroon pa din ng oras si Megastar na i-plug at ibahagi ang kanyang galak sa kanyang muling pagbabalik sa recording sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Unang napakinggan sa MOR radio station ang bagong single ni Mega na may title na “Hanggang Dulo” released by Star Music.

Umani naman agad ng positibong comments ito mula sa kanyang mga tagahanga at mga Sharonians.

Sa ngayon, sinusulit ni Megastar ang kanyang bakasyon bago muling bumalik sa trabaho. Aasahan na magiging abala siyang muli sa kanyang mga nakapilang trabaho gaya ng launching ng album, ang TV Show na Your Face Sounds Familiar kids edition at ang inaabangang balik tambalan nila ni Gabby Concepcion sa pelikula.