• Home
  • Fresh Scoops
  • Makeup artist RB Chanco shares experience working with Miss Universe 2016 Iris Mittenaere

Makeup artist RB Chanco shares experience working with Miss Universe 2016 Iris Mittenaere

RB says he feels like he also won the Miss Universe crown.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/1/2017 7:14 AM
Makeup artist RB Chanco shares experience working with Miss Universe 2016 Iris Mittenaere


020117-RBChanco-IG_PUSH.jpgProud at masayang masaya ngayon ang tinaguriang makeup artist of the universe na si RB Chanco, na isa ding kilalang makeup artist ng mga pinoy celebrities, na siyang nag-makeup sa newly crowned Miss Universe na si Iris Mittenaere.

Kasabay kasi ng pagkapanalo ng bagong koronang Miss Universe na si Iris Mittenaere ay ang pagbuhos ng positibong papuri para sa kanya dahil sa kanyang galing at husay sa pag me-makeup.

Sa panayam ng PUSH kay RB hindi pa din daw siya makapaniwala na naging parte siya ng makasaysayang Miss Universe event na ito dito sa Pilipinas.

"Actually I was so lucky with the final 13. I did Philippines, Colombia, France and Indonesia and then she won [France]. We are the team sponsored by MAC so we are the official makeup artist of Miss Universe," kwento ni RB.

Dagdag pa ni RB hangga siya sa totoong kabaitan ni Miss France. Aniya personal pick siya ni Miss France noong preliminary competition pa lang.

"What's good about Miss France is because I only did her in the preliminary and she said 'I know you, I follow you [Instagram] please do my make up.' Eh ang dami nang nakapila doon, first come, first serve kasi naglaban tapos three hours pa to do the makeup tapos pang 7 pa siya noon. Habang ginagawa ko siya, sabi niya sakin 'Please do my make up for the finals.'

Sabi ni RB early bird si Miss France sa kanya dahil isa ito sa mga maagang pumila sa kanya upang mag pa makeup noong araw ng coronation.

"Nung coronation na, ang aga-aga ng call time namin 2AM. Tapos pag bukas ng venue andoon na siya pero pang 4th pa siya sa naka pila so sabi niya, ‘please I really wanted what you did in the preliminary make up,’" saad pa ni RB.

Aminado si RB na may mga paborito siyang kandidata na gusto niyang manalo at isa dito si Miss France, na sobra ang kabaitan na ipinakita sa kanya. Bukod kay Miss France masaya din si RB para sa naging kaibigan na si Miss Colombia (Andrea Tovar), na itinanghal bilang second runner-up.

"May mga favorites ako na feel ko isa doon but not in particular and isa siya doon (Miss France) kasi ang bait niya sobra, para kaming friends like Colombia, Spain. I gained so much friends in this event and I'm so glad that you know, talagang mababait sila," sabi ng makeup artist.

Dahil sa kanyang magic touch sa pag makeup sa mga Miss Universe candidates, tila kinorinahan din si RB dahil sa sunod-sunod na blessings na naghihintay sa kanya ngayon sa pagtatapos ng Miss Universe pageant.

"Yun nga it was funny when she was announced as the winner. I was with my friend so parang nag-emote din kami ng parang pinasahan din niya ako ng korona, so nakakatuwa talaga and this will be the very significant day in my life. What happened that day will always be momentous for me," pagtatapos na kuwento ni RB.

Mainphoto credit to rbchanco IG