• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes is open to making a guest appearance on ‘FPJ's Ang Probinsyano’

Julia Montes is open to making a guest appearance on ‘FPJ's Ang Probinsyano’

Julia Montes says she already has a project in the works after ‘Doble Kara.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/1/2017 7:14 AM
Julia Montes is open to making a guest appearance on ‘FPJ's Ang Probinsyano’


020117-JuliaMontes_PUSH.jpgOverwhelmed si Julia Montes sa success ng kanyang daytime drama na Doble Kara na nakatakdang magtapos ngayong Pebrero.

"Overwhelming po ang pakiramdam. Alam ko lagi niyo nalang po naririnig sa akin na blessings ito dahil hindi po ako napapagod na magsabi na I'm blessed, dahil sa pagtitiwala na ibinigay sa akin ng Dreamscape and buong core group ng Doble Kara," panimula ni Julia.

Dahil sa mataas na rating na naabot ng Doble Kara, hindi na din malayo na bansagan si Julia ng Daytime Drama Queen sa pagganap niya bilang si Kara at Sarah.

"Hindi po sumagi sa akin na mangyayari po ito, kaya nga po minsan kapag nagdarasal ka overflowing po yung binibigay sa ‘yo ng Diyos. Unexplainable po at masarap po sa pakiramdam dahil mas inspire ako na pagbutihin ang trabaho ko kasi para sa kanila ito."

Saad pa ni Julia, hindi din big issue para sakanya ang pagkakaroon niya ng title. Aniya, ang importante para sa kanya ay ang pagsuporta ng mga tao sa kanyang mga proyekto.

"Ako po wala naman pong kaso sa akin na mapa umaga, hapon, kahit po midnight basta may trabaho po ako at sumusuporta po ang mga tao sa bawat ginagawa natin."

Magtatapos man ang kanyang teleserye, sinigurado naman ni Julia na muli siyang magbabalik para sa panibagong proyekto na kanyang gagawin sa Kapamilya network.

"Meron po, abangan din po natin kung kailan pwede ianunsyo. Ako po na-excite po ako kasi bagong ako po. Hindi lang po sa role, physically, emotionally. Dream come true din po kasi yung mga makakasama ko na team and buong cast sana po matuloy," sabi pa ni Julia.

Dahil nga magkakaroon ng oras ang bagong Daytime Drama Queen, open din umano si Julia kung sakaling imbitahan siya ni Coco Martin upang mag guest sa hit primetime teleserye ng FPJ's Ang Probinsyano.

"Hindi po sa akin mangyayari yun, depende pa din. Kung ako naman ang tatanungin, 'Oo naman puwede po kung pwede po ako why not?' tignan po natin," pagbabahagi ng dalaga.

Kuwento pa ni Julia abala man sa kani-kanilang mga proyekto, hindi din umano nagbago ang turingan nila ni Coco.

"Okay naman po kami, nagkikita? Sobrang busy po namin pareho, pero yung communication po namin andon padin po hindi magbago," pagtatapos ni Julia.