Xian Lim says bashers should be ignored

Xian Lim, A Love To Last

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/31/2017 6:40 AM
Xian Lim says bashers should be ignored


013117-XianLim_PUSH.jpgNa-recognize ng isang bagong award-giving body – GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) -- ang husay ni Xian Lim bilang aktor sa pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema na pinagbibidahan din nina Vilma Santos at Angel Locsin.

Ang GEMS ay binubuo ng mga academician mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyonal mula sa mga pribadong institusyon at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral ng mga prestihiyosong kolehiyo at pamantasan. Si Xian ang napili nilang Best Supporting Actor.

“Thank you again sa Star Cinema at kay Direk Joyce (Bernal) for giving me the role of Albert Mitra. Nu’ng nakita ko yung post nila about being their Best Supporting Actor sabi ko, ‘Wow, all the hard works just paid off.’ And it just made me so happy, mas na-inspire pa ako lalo sa trabaho na ‘to,” reaksyon ni Xian sa pagkakaroon niya ng kauna-unahang acting award.

Si Xian ang bagong karakter na madadagdag sa primetime series ng Star Creatives na “A Love To Last” na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo. Gaganap si Xian bilang dating kababata ni Xian sa Batangas.

Mas na dagdagan ba ang confidence niya ngayon sa pag-arte pagkatapos magka-award? “For any actor, talagang ang maka-recieve ng award is an added bonus. Yung pagod at hirap pala na binuhos ko dito (Everything About Her), ito pala yung kayang marating. So, kumbaga it serves as a benchmark, it opened a lot of doors, a lot of opportunities. Pero it’s not a project po na kampante na ako, na alam ko na ito. No, no, no!

“One take away na meron na po ako sa ‘Everything About Her’ is yung hindi ka pwedeng makampante. You always have to do the homework and be prepared to learn. Sabi nga ni Ms. Vilma Santos, sa how many years niya sa industry, marami pa rin siyang hindi alam. So, what more ako, ‘di ba?” pagbabalik-tanaw ni Xian.

Samantala, hindi na nagbigay ng mensahe pa si Xian sa kanyang mga bashers na noon ay hindi bilib sa kakayahan niya bilang actor. “I don’t have any message for the bashers kasi lagi silang nandyan, eh. I don’t think dapat bigyan sila ng atensyon or hindi sila dapat bigyan ng importance,” matipid niyang komento.

Bilang third wheel sa umuusbong na pagmamahalan nina Anton at Andeng sa “A Love To Last,” nilinaw ni Xian na hindi siya magiging kontrabida sa series. “Hindi po siya villain. Si Totoy iba. Iba yung journey niya with Ian. Makikita naman po nila yung back story nina Totoy at Andeng, yung pinanggalingan nila. Hindi naman po basta na lang ako sumulpot sa istorya.”

Handa rin ba siyang ma-bash ng Ian-Bea supporters? “Alam naman po ng karamihan na roles lang naman yung ginagampanan namin. Maybe sa story, they’ll be protective kung anuman yung nangyayari but aside from that, we’re here to offer them a good story,” pagtatapos ni Xian.