• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino and Maja Salvador say they play unusual roles in their new movie

Paulo Avelino and Maja Salvador say they play unusual roles in their new movie

Paulo Avelino and Maja Salvador also talk about their respective upcoming shows.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/31/2017 6:42 AM
Paulo Avelino and Maja Salvador say they play unusual roles in their new movie


013117-MajaPaulo_PUSH.jpgNakisaya sa isang mall tour ang mga bida ng Valentine movie ng TBA production na I'm Drunk I Love You na sina Paulo Avelino at Maja Salvador.

Dito naibahagi nila Paulo at Maja ang kanilang excitement dahil sa mainit na pag-supporta ng mga fans na matiyagang naghintay sa kanila.

"Mas gusto ko magpasalamat sa kanila kasi kahit na paulit-ulit nila kami nakikita, iba pa din kahit may panibago kaming project. Parang hindi bata. Tapos ang suporta at pagmamahal nila sa amin kaya sobrang salamat talaga," pahayag ni Maja.

Bukod dito, naibahagi ng dalawa ang kanilang pananabik sa kani-kanilang mga proyekto gaya ng Wildflower ni Maja at ng The Promise of Forever naman ni Paulo.

Kuwento ni Maja, masaya siya dahil anytime daw ay ilalabas na ang timeslot ng kanyang bagong serye. "Anytime soon ilalabas na nila ang oras kung saan ilalagay pero masaya ako sa positive na reaction nung lumabas ang trailer."

"Pinapaganda pa namin lalo dahil kakaiba din siya. Ibang-iba at bago sa panlasa ng mga manunuod," kuwento naman ni Paulo para sa kanyang serye sa The Promise of Forever.

Kuwento pa ng tandem, busy at hectic man ang kanilang mga schedule ay masaya sila dahil magagawa nila ng magkasama ang kanilang pag po-promote at aasahan din daw ang kakaibang karakter na kanilang gagampan.

"Maninibago sila dahil kumbaga ibang genre ng pelikula ito, kumbaga siguro kami lang ni Maja ang makakagawa nito," pagtatapos ni Paulo.