• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss France Iris Mittenaere shares her plans as Miss Universe 2016.

Miss France Iris Mittenaere shares her plans as Miss Universe 2016.

The French beauty queen says her advocacy is children’s education.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/30/2017 4:56 PM
Miss France Iris Mittenaere shares her plans as Miss Universe 2016.


013017-MissFrance_PUSHFINAL.jpgOpisyal nang ipinasa ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang Miss Universe crown sa bagong magsusuot nito na si Iris Mittenaere na isang dental surgeon student.

Nakipag tagisan ang 23-year-old French beauty sa 85 kandidata na nakipag laban para masungkit ang korona.

Sa naganap na press conference pagkatapos niyang makoronahan, naikuwento ni Iris ang kanyang naramdaman ng makapasok siya as finalist.

"Being in the top 6 was amazing for me because it is I really what I wanted to do, I wanted to be in the top 6 and when I was in the top 6 I was feeling 'wow!' I think this is a little bit difficult question and I want to answer it from my heart and in French."

Kuwento pa ng bagong Miss Universe napapanahon ang kanyang pagkapanalo dahil sadyang nakakalimutan na ng mga French ang prestihiyosong pageant dahil sa tagal na ng kanilang paghihintay magmula ng manalo ang kanilang kandidata noong 1953 na si Christiane Martel.

"I think France and Europe really need a Miss Universe because there is a lot of time that we don't have a Miss Universe, and I think they need a Miss Universe because we are all fans of the beauty pageant. And they already don't know Miss Universe because nobody wins and I hope this year more and more French will watch the Miss Universe," paliwanag pa ni Iris.

Ngayong siya na ang bagong Miss Universe naibahagi na din ni Iris ang kanyang pagtutuunang advocacy kung saan tututukan niya ang edukasyon ng mga kabataan na nauna na niyang ginagawa bago pa siya sumali sa pageant.

"I will be a dentist in two years and I have one charity for learning and teaching children, but now I will represent the universe and I want to do more than that. I even want the children to be in school and this is my charity and I think this is most important for every children."

Dagdag pa ni Iris itutuloy din umano niya at ng MUO ang magandang naumpisahan ni former Queen na si Pia Alonzo Wurtzbach sa pagtulong nito sa mga persons infected with HIV/AIDS.

Higit sa lahat nagpasalamat din si Iris sa pagsuporta ng kanyang mga kababayan at lalong lalo na ang kanyang mga trainor na nagtiyagang tumulong at gumabay sa kanyang laban.