• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities react to the recently concluded 65th Miss Universe pageant

Celebrities react to the recently concluded 65th Miss Universe pageant

Anne Curtis and Vice Ganda defend Maxine Medina

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/31/2017 6:33 AM
Celebrities react to the recently concluded 65th Miss Universe pageant


013117-Celebs_PUSH.jpgSa ulat sa TV Patrol, ayon sa head ng Miss Universe na si Paula Shugart ang katatapos lang na 65th Miss Universe sa Pilipinas ang “best show I’ve ever done.” Ito ay pasasalamat at papuri niya sa Department of Tourism at sa Miss Universe sponsor na si Luis Chavit Singson, na naging katuwang ng Miss Universe Organization para maidaos ng maayos at maganda ang naturang prestigious pageant.

Tinatayang humigit kulang 14 million dollars ang nagastos para sa pageant at ayon kay Singson, “investment yan kahit malugi ng konti ngayon, pero kikita rin agad kapag dumami ang turista.”

May positive feedback si Manila Mayor Erap Estrada, “imagine 86 nations ‘to. Napag-uusapan ang ating bansa.” Nagbigay din ng komento si Senator Manny Pacquiao, “malaking tulong sa ating bansa especially sa ekonomiya natin.”

Hati naman ang opinyon ng celebrities kung dapat bang gumamit ng interpreter ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina.

Para kay Anne Curtis, “at that very moment she felt that maybe she was just more comfortable speaking in English.” Ang opinyon naman ni Vice Ganda ay, “hindi naman yan sa kakayahan mo mag-Ingles o mag-Taglog. Kakayahan mo yan na mag-isip ng mabilis at makabuo ng sasabihin agad.”

Pero para kay Miss Universe 1973 Margie Moran, “sana nag answer na lang siya sa Tagalog. I think she would have been more comfortable…”

Ganito rin ang opinyon ni Annabelle Rama. “Kasi mali siya e nag-interpreter tapos di naman niya ginamit. Nag-English-English siya mali-mali pa, kung ako nakasali diyan Bisayain ko lahat sila.”