• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe 2016 teases possible performers for coronation night

Miss Universe 2016 teases possible performers for coronation night

Miss Universe the year with hints about the coronation night.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/3/2017 9:21 AM
Miss Universe 2016 teases possible performers for coronation night


010317-MissU.jpgSa pag-umpisa ng 2017, nag-umpisa na din ang Miss Universe Organization na magbigay ng iilang detalye ng 2016 Miss Universe pageant sa Pilipinas.

Mula sa patikim sa naging advance publicity ng ilang mga kandidata bago magtapos ang 2016 na umikot sa ilang lugar sa bansa, mainit din na sinubaybayan ngayon ang maaring mga mag-perform sa araw ng coronation night.

Sa kanilang Facebook page na 65th Miss Universe ay nagpahapiyaw ito na meron ngang international performer na darating para sa coronation night.

Ayon naman sa mga spekulasyon matunog ang pangalan ng singer-songwriter na si Bruno Mars na may lahing Pinoy din. Kasama din sa mga matunog na pangalan ay Latin performer na si Ricky Martin.

Samantala, naglalaro naman sa PhP 50,000 ang halaga ng VIP tickets na sinundan ng Lower Box A na PhP 25,800, PhP 23,800 naman ang sa Lower Box B, maglalaro naman sa PhP 4,800 ang Upper Box Section at PhP 2,000 para sa General Admission.

65TH Miss Universe Competition

Sa ngayon nag-uumpisa na din na magkaubusan ng tickets simula ng ianunsyo ito ng MUO sa kanilang website.

Inaasahan naman ang pagdating ng 90 official candidate mula sa iba’tibang bansa dalawang linggo bago ang coronation night sa January 30, 2017.