• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia admits he feels pressured being tagged as the next John Lloyd Cruz

Joshua Garcia admits he feels pressured being tagged as the next John Lloyd Cruz

Joshua Garcia hopes for even bigger blessings in 2017.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/3/2017 9:40 AM
Joshua Garcia admits he feels pressured being tagged as the next John Lloyd Cruz


010317-JoshuaGarcia_PUSH.jpgItinuturing na isang napakalaking regalo para sa aktor na si Joshua Garcia ang naging tagumpay ng kanyang pelikula na Vince and Kath and James na isa sa mga highest grosser film ng Metro Manila Film Fest.

Ayon kay Joshua, hangad niya ang patuloy na pagtangkilik ng mga manunuod sa lahat ng pelikula na kalahok sa MMFF.

"Wish ko maging successful pa ang Vince and Kath and James dahil ito yung first lead role ko. Magiging masaya ako kung magiging successful pa ito at sana magtuloy-tuloy lang po hanggang dulo. And masaya din po ako para sa mga kasama natin na nakapasok din sa MMFF," panimula ni Joshua.

Aminado din ang aktor na hindi pa rin siya makapaniwala sa mga papuri na kanyang natatamo para sa kanyang naging pagganap sa Vince and Kath and James, lalo na ikinukumpara pa siya kay John Lloyd Cruz.

"Overwhelmed po, sana magtuloy-tuloy lang at sana tumagal po ako sa showbiz."

Aniya pressured siya kapag binabansagan siyang next John Lloyd Cruz.

"Pressure siya kasi baka hindi mo ma meet yung expectations ng tao pero sa ngayon maging masaya nalang siyempre na ganun ang itawag sakin ng tao," paliwanag pa ng actor.

Dahil dito, full support din ang pamilya ni Joshua na proud na proud sa kanyang achievements.

"Sobrang saya nila. Nagpa-block screening pa nga sila e. Masaya naman sila sa kinalabasan. Naiyak din sila para sa akin," kuwento pa ng actor.

Positibo naman ang claim ng binatang aktor na mas magandang takbo ng karera ang kanyang tahakin para sa 2017.

"Abangan po kasi po marami pong mga magaganap ngayong 2017 mas malaki pa sana para sa akin," pagtatapos ni Joshua.