• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach plans to auction off her gowns for her hometown

Pia Wurtzbach plans to auction off her gowns for her hometown

Pia Wurtzbach wants to raise funds for Cagayan de Oro.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/29/2017 8:35 AM
Pia Wurtzbach plans to auction off her gowns for her hometown


012917-PiaWurtzbach_PUSH.jpgNgayong papatapos na ang reign ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe, ibinahagi niya ang plano na ipa-auction ang gowns na ginamit niya sa loob ng isang taon.

"After I step down as Miss Universe, I want to do an auction or a garage sale where I can hang and sell my dresses," sabi ni Pia.

Dagdag kuwento pa ni Pia, naka-impake na ang kanyang mga gamit mula sa New York apartment na official niyang residence bilang Miss Universe at umabot daw ito ng pitong balikbayan boxes na karamihan ay mga damit na ginamit niya sa mga functions at personal appearances na pinuntahan sa buong mundo. Naiship na daw ang mga ito mula New York pabalik sa Pilipinas. Plano pa ni Pia na lagyan ng marka ang bawat isa kung saan niya ito ginamit.

"I'll put a tag on each dress so buyers will know where I wore that outfit to."

Dahil sa kalamidad na dumaan sa kanyang hometown ng Cagayan De Oro, plano ni Pia na dito ibigay ang mapapagbentahan ng gowns.

"Since I didn't get to have a homecoming in my hometown, it will go to them," pagtatapos ni Pia.