Olivia Jordan is open to doing projects in the Philippines

Olivia Jordan also admits she is rooting for Maxine Medina whom she picked during Binibing Pilipinas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/29/2017 10:01 AM
Olivia Jordan is open to doing projects in the Philippines


012917-OliviaJordan_PUSH.jpgSa inaabangang coronation night ng 65th Miss Universe pageant ngayong January 30 sa MOA Arena, excited na ikinuwento ni Miss Universe 2015 2nd runner-up na si Olivia Jordan ang kanyang magiging role na maging behind the scene host.

"I will be giving you a little behind the scenes peek when we can. And we’re all excited to see all the girls compete and of course we’re cheering for Miss USA and Miss Philippines because I helped to pick her [at Binibining Pilipinas],” masayang panimula nito.

Ito na ang ikalawang pagbisita ni Olivia sa Pilipinas. Sa una niyang pagbisita ay naging isa siyang hurado sa Binibining Pilipinas na pinili si Maxine Medina bilang susunod na Miss Universe Philippines.

Ayon kay Olivia, naniniwala siya sa kakayahan ni Maxine dahil nakita niya ang kakaibang charm nito sa stage nuong na kilala niya ito sa Binibining Pilipinas.

"She just shines on stage and she has a light in her that she just seems joyous and friendly and of course, she's stunning. …So she can bring it on stage and she will be fantastic.

Dahil nadadalas ngayon sa Pilipinas ang former Miss USA, nagiging malapit na din ito sa puso ng mga Pinoy na labis ang nagiging suporta din para sa kanya. Kung kaya hindi na din daw imposible kung tumanggap siya ng tranaho dito sa Pilipinas

"Absolutely, I would love to work here in the Philippines any chance that I get. I love being here, that people are so kind, the people are so friendly. And there's an amazing market here. The television program is unique and I would love to be part of it," pagbabagi niya.

Pero sa ngayon daw ay mas aktibo muna siya na mag audition sa mga proyekto sa USA at nais din niyang mag-focus sa kanyang career bilang modelo.

"I am auditioning for the next acting role, modeling career, and hopefully Dancing with the Stars someday so that's the next goal," pagtatapos niyang kuwento.