Meg Imperial admits dating JM de Guzman in the past

Meg Imperial is happy that JM de Guzman is making a comeback.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/29/2017 8:37 AM
Meg Imperial admits dating JM de Guzman in the past


012917-MegImperial_PUSH.jpgMinsan ding na-link si Meg Imperial sa kay JM de Guzman at ayon sa dalaga, one month lang silang nag-date ng actor. Nangyari daw ito bago pa nagkabalikan noon sina Jessy Mendiola at JM.

Ano ba ang reaksyon niya na muling nagbabalik sa showbiz ang actor?

“I’m happy for him. Always,” sabi agad ni Meg sa Push.com.ph.

“Ako naman kasi, everyone knows naman what happened to us… never akong nagkaroon ng sama ng loob sa kanya. I’m always there for him, to support him, na maka-recover.

“Kasi I want to be that friend na of all the friends na nakapaligid sa kanya na into this kind of ano, na kung baga, nasu-suffocate na siguro siya, I want to be that kind na nandu’n to support him,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Meg na kahit nung panahahong nasa rehabilitation center si JM naipapahatid niya sa daddy nito ang pagmamalasakit bilang kaibigan.

“Nangangamusta, ganyan, like a friend, and nagre-respond naman na ‘he’s doing good,’” sey pa niya.

Eh, what if manligaw ulit sa kanya ang aktor lalo pa nga’t ang guwapu-guwapo na naman nito ulit ngayon, may chance ba?

“Tingnan po natin kung ano, kasi ayoko namang sabihin na dahil nagbabalik siya, eh, ia-allow ko na lang. Siyempre, mayroon pa rin tayong binabasehan na is he good for me or am I good for him as well? Magki-click ba talaga kami or baka naman madala lang kami ng tukso sa paligid namin,” komento pa ni Meg.

Umaasa si Meg na sana raw ay magtuluy-tuloy na talaga ang pagbabalik ni JM sa pag-arte dahil dahil isa raw ito sa mahuhusay na aktor ng industriya. Handa rin daw siyang makatrabaho ang binata.

“Oo naman. Walang problema sa akin,” sambit pa niya.

Samantala, sa presscon ng pelikulang Swipe na pinagbibidahan ni Meg at showing na on February 1 ay sumabak ulit si Meg sa daring roles. Pero ayon sa dalaga, may limitasyon daw naman ang pagpapaseksi niya sa pelikula.

“Wala naman akong ipinakitang anything (in the past), hanggang doon lang ako sa ano, as long as… Lagi kong sinasabi, may lalim ‘yung story ng film, and kailangan naman talaga. Hindi naman ‘yung basta ‘magpa-sexy ka riyan para lang ma-attract ‘yung tao, no. Kinailagan talaga du’n sa story so why not do it naman kung para sa story,” pahayag pa niya.

Idinagdag din ni Meg na pinag-aralan din niya kung paano manigarilyo dahil nire-require ito ng kanyang karakter.

“Ayaw ko naman dayain, di ba? Gusto ko namang ma-experience yung feeling ng talagang naninigarilyo kaya pinag-aralan ko,” kuwento pa niya.

Sa swipe ay kasama ni Meg sina Luis Alandy, Alex Medina, Ma. Isabel Lopez, Gabby Eigenmann, and Mercedes Cabral.