JC Santos says he doesn’t mind doing another gay role

JC says he is not afraid of being type cast in gay roles on TV or film.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/30/2017 1:02 AM
JC Santos says he doesn’t mind doing another gay role


013017-JCSantos_PUSH.jpgKahit naka-crossover na si JC Santos sa telebisyon via “Till I Met You,” na tumagal din ng halos anim na buwan sa ABS-CBN Primetime Bida, handa pa rin daw siyang bumalik sa indie films at gawin ang role na pinortray niya sa “Esprit de Corps.”

“Yes, yes, basta may role at gusto kong gawin lalo na challenging okay ako don.  At saka gustung-gusto ko yung mga role na ‘papaano ko ito gagawin?’ Kahit anong role okey naman ako basta gusto ko yung project at gusto ko yung script.

“So, wala naman po akong problema kung anumang maibigay sa akin na role, basta role yan,”kuwento sa PUSH ni JC.

Matatandaang naging daring si JC sa “Esprit de Corps” dahil walang takot siyang  naghubad at nakipag-kissing scene niya with fellow theater actor Sandino Martin sa pelikula.

Eh, what if may offer ulit sa kanya na gumanap ng another gay role sa movie na katulad din ng naging role niya sa “Till I Met You.” Hindi ba siya natatakot ma-type cast?

“No, I don’t think so!” depensa agad niya.

“Kasi I think, in every person, in every role, there’s a story to tell. And I think, lahat ng mga kuwento ay relevant at kailangan siyang marinig ng mga tao.

“So, ako naman, sige game, wala naman akong ano don, eh, gusto ko lang magkuwento talaga,” katwiran pa niya.

Eh, ano naman ang feeling na maraming theater actors na rin ngayon ang unti-unti nakikilala sa telebisyon tulad nina Pepe Herrera at Jerald Napoles?

“Sobrang saya. Kasi sa theater community walang competition, eh. Lahat kami sinusuportahan namin ang isa’t isa,” masaya niyang pahayag.

Patuloy niya, “So, kunyari, may project na kailangan namin ng ganito o si Nico Manalo ni-recommend ako or si Sandino ni-recommend ako, tapos nire-recommend ko rin sila.

“Suportahan kami at sobrang happy kami na umaangat yung theater scene at napupunta sa film or sa TV. Ano kami, eh, sa theater, we’re always happy for each other.”

Samantala, hindi pa rin mami-miss ng fans si JC dahil mapapanood siya sa peikulang “Sakaling Hindi Makarating” na pinagbibidahan din nina Alessandra de Rossi at Pepe Herrera.