Highlights of Pia Wurtzbach’s reign as Miss Universe

A look back at Pia’s year as Miss Universe 2015.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/30/2017 12:58 AM
Highlights of Pia Wurtzbach’s reign as Miss Universe


013017-PiaWurtzbach_PUSH.jpgDecember 20,2015 sa Las Vegas Nevada sa Amerika kinoronahan bilang 64th Miss Universe si Pia Wurtzbach, ang ikatlong pinay na nakasungkit ng prestigious title.

Naging makulay ang isang taong reign ni Pia bilang Miss Universe na nagbigay halaga sa adbokasiya at pagtulong sa mga biktima ng karamdamang HIV/AIDS. 

Magkakasunod ang guestings ni Pia sa iba’t ibang TV shows sa US at ‘di makakalimutan dito ang kanyang solo interview sa “Inside Edition” at ang kanyang hosting sa Super Bowl 50. 

Pebrero sa Toronto, Canada, nagsalita si Pia sa mainit na issue ng bullying  ng Speaker’s Forum ng International Student of Language Academy.

Marso, bumalik ng Pilipinas si Pia na ‘di ipinaalam sa publiko para sa ilang charity work at shooting ng bagong endorsements.

Buwan ng Abril ipinasa ni Pia ang kanyang titulo bilang Binibining Pilipinas Universe kay Maxine Medina kung saan nag-trending sa social media ang kanyang farewell walk at speech.

June 2016 humarap sa United Nations ang Pinay Miss Universe at nagkaroon ng high level meeting kasama ang Miss Universe Organization (MUO) bilang suporta sa pagsugpo sa sakit na AIDS.

Napuntahan din ni Pia ang mga bansang Indonesia, Peru, Ecuador, Cayman Islands, Thailand, Panama, UAE, at Singapore para sa mga advocacies ng MUO.

Makulay at pinag-usapan din ang personal na buhay ng beauty queen na naugnay kay Doctor Mike Varshavski na binansagang "sexiest doctor" sa US. Pero ngayon ay umamin na si Pia na ang karelasyon niya ay ang Pinoy racing champ na si Marlon Stockinger. 

Sa pagpasa ni Pia ng kanyang korona, hindi makakalimutan ang puso na ibinigay ni niya sa titulo, na nag bigay inspirasyon at karangalan sa mga Pilipino sa buong mundo.