• Home
  • Fresh Scoops
  • Women Talk TV host Eunice Olsen to promote her Women Empowerment Advocacy in PH

Women Talk TV host Eunice Olsen to promote her Women Empowerment Advocacy in PH

Former Miss Universe Singapore Eunice Olsen remembers her pageant days and how it helped with her advocacy for women empowerment.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/28/2017 8:01 AM
Women Talk TV host Eunice Olsen to promote her Women Empowerment Advocacy in PH


012817-EuniceOlsenF_PUSH.jpgSa papalapit na coronation night ng Miss Universe pageant sa MOA Arena, patuloy din ang pagdating ng iba’t-ibang personality mula sa iba't-ibang bansa para manunuod at sumuporta para sa kani-kanilang paboritong kandidata.

Kabilang sa mga bumisita ang mga former queens, former contestants, at judges.

Isa dito ang former Miss Universe Singapore 2000 na si Eunice Olsen. Si Olsen ay isa na ngayong Executive Producer ng Women Talk TV Asia. Kilala si Olsen sa Asya, bilang host/advocate ng kanyang programa at isa mga most influential women in Singapore dahil sa kanyang pagiging aktibo tungkol Women Empowerment na kanyang adbokasiya noong sumali siya sa Miss Universe pageant.

"Miss Universe pageant is the start of my entire career. …It was the start of my volunteering work because I realized that Miss Universe is the great platform for women," pag-alala ni Eunice nang nakapanayam natin ito.

Masaya din niyang inalala ang mga panahon na kasali siya noon sa pageant kung saan naging malapit sa puso niya si Miss Universe Philippines 2000 na si Nina Ricci Alagao.

"I love my pageant very much, I was the first Miss Universe queen in Singapore when my national director brought the franchise for the pageant so I didn't have any preparations that time but, what I had during my pageant was a really good friends including Miss Philippines Nina Ricci Alagao," sabi pa nito.

Nagbigay mensahe din siya sa kasalukuyang Miss Universe Singapore na si Cheryl Chuo para sa kanyang magiging laban sa darting na January 30. Aniya naniniwala siya sa kakayahan nito na maging isa sa mga top contestant ngayong edisyon ng Miss U.

"I wish you all the very best and I'm really sure that you make Singapore proud so fly and fight to the very high and I look forward to the great things that she will doing for our country and for a lot of people who look up to her," saad no Eunice.

Bukod sa masayang pag-alala nito sa Miss Universe days niya, nandito ngayon sa Pilipinas si Olsen upang subukin na pag-aralan ang ibang paraan ng pagpapalaganap ng kanyang Women Empowerment advocacy sa pamamagitan ng kanyang programa na Women Talk TV.

"We are doing a series now on amazing Filipino women who are doing amazing in and out work in the Philippines. And we wanted to bring the show to the Philippines so everybody can see also how great the Filipino [has] impacted on other people," pagtatapos niya.