• Home
  • Fresh Scoops
  • Venus Raj has a special participation in the 65th Miss Universe pageant

Venus Raj has a special participation in the 65th Miss Universe pageant

Venus Raj also looks back on her experience as a Miss Universe candidate.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/28/2017 8:01 AM
Venus Raj has a special participation in the 65th Miss Universe pageant


012817-VenusRajF_PUSH.jpgSa patuloy na Miss Universe fever sa Pilipinas, marami ng pageant enthusiasts ang todo ang suporta at excitement para sa kanilang paboritong kandidata na kokoronahan ngayong January 30 sa MOA Arena.

Kabilang din sa inaabangan ang mga magiging role ng ilan sa mga former contestants at former queens na inimbitahan para sa pagdiriwang ng 65th Edition ng Miss Universe.

Isa sa mga excited ngayon ay si Miss Universe Philippines 2010 4th runner up na si Maria Venus Raj na magkakaroon ng espesyal na partisipasyon para sa Miss U.

Kuwento ni Venus siya ang magiging co-host sa backstage ng Miss Universe red carpet na magaganap ngayong Sunday night.

"I will be doing the red carpet co-hosting, and during the competition sa back stage for Chi and I'm excited, I'm just really honored. Parang 2010 pa ako nanalo and now na dito gaganapin sa Pilipinas, mas malaking bagay na maging part ako ng Miss Universe," pagababahagi nito.

Matatandaan na si Venus ang tinaguriang “Nagtapos ng Sumpa” bilang isa sa mga nagsalba umano sa Pilipinas ng umpisahan nito ang winning streak bilang 4th runner up noon sa Miss U pageant. Meron ding naging kontrobersya noon na muntik pa siyang i-dethrone.

"Siyempre ayaw ko mag-claim na ako talaga. We know na all the girls from the Philippines have followed to compete, from Shamcey (Supsup), Janine (Tugunon), Ara (Arida), MJ (Lastimosa), and finally to Pia (Wurtzbach), lahat sila maganda lahat sila, may kanya-kanyang galing. So I'm just really honored kung yun ang tingin ng mga tao sa akin," saad pa ni Venus.

Dagdag pa ng former Miss Philippines, relate na relate din umano siya ngayon sa bashing na nararanasan ni Maxine Medina at aniya ituloy lamang nito ang magandang naumpisahan nito at mag-focus lamang para sa kanyang pangarap.

"Sobrang relate ako kay Maxine ngayon sa mga bashers kasi during my time, many, many bashers are bashing me na pakiramdam ko nga talaga kung 'dapat ba talaga ako mag compete o hindi?' Pero in a way that was also the Lord's way of introducing me to people dahil dun sa dethronement at dahil duon nakilala ako ng mga tao hindi lang sa Pilipinas kundi sa international scene," pagtatapos niyang kuwento.