Meg Imperial admits she tried out an online dating app

Meg Imperial has advice for people trying online dating apps

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/27/2017 10:00 AM
Meg Imperial admits she tried out an online dating app


012717-MegImperial_PUSH.jpgHabang naghihintay ng bagong TV assignments sa ABS-CBN ay abala muna si Meg Imperial sa paggawa ng pelikula. Tatlong pelikula na ang natapos niya at ang isa rito ang Swipe ng Viva Films, ay ipapalabas na sa February 1.

Ang Swipe ay pelikula tungkol sa mga taong naghahanap ng partner sa pamamagitan ng online dating app. Ginagampanan dito ni Meg ang role ng isang dating drug addict na asawa ng karakter ni Alex Medina.

Na-try na ba niyang ng mag-browse sa online dating app katulad ng ginagawa ngayon ng maraming naghahanap ng ka-date?

“I once tried Tinder,” pag-amin ni Meg. “Because of my sister, siya yung nag-download nu’ng app. Kasi dinownload siya ng sister ko, so ako naman, sige, curious ako, sinu-sino ba yung mga taong sumasali sa mga ganu’ng klaseng application.

“Meron one time, di ba pag parehas kayong nag-swipe na parehas nyong gusto ang profile picture or whatever, magkaka-chat kayo. So we did. Pero hindi kami nag-meet. Takot ako sa meet up, so, hindi definitely.

“But ang nakakatakot kasi is ang dami niyang common friends, so parang ‘Ops, gumagamit siya ng app,’ so I deleted this agad. Pero cute naman siya,” natatawang kuwento ni Meg sa Push.com.ph.

Hindi raw naman naging aggressive ang guy na ka-chat niya sa Tinder.

“Di ba yung mga guys nag-i-start yan sa ‘Hi, how are you?’ Medyo pa-cute, pero ako medyo snob,” sagot ng dalaga.

Ire-recommend ba niya sa mga taong loveless na gumamit ng online dating app para magkaroon ng love life?

“Fast-paced na kasi na ngayon ang technology, so hindi natin mapipigilan yung mga kabataan na gumamit ng social app, so what we can do na lang is to give advice na mag-ingat sila in giving information socially kasi yon yung delikado talaga.

“Plus, kasi tayo, hindi naman tayo lahat confident sa sarili natin, so we use the social dating sites to be more confident sa sarili natin… kasi yon yung pinapakita natin na gusto nating makita nila sa atin. Na kapag nahihiya tayong makipag-usap, kasi may mga mahiyain talagang makipag-usap in person, so we use the dating sites talaga para ma-boost yung confidence level nila and para mai-express nila yung sarili nila,” rason niya,

May advice naman siya sa mga kabataang mahilig gumamit ng social dating app.

“Hindi natin puwedeng pigilan yung mga kabataan. It’s just that, we need to advise them na mag-ingat always to use and give information about themselves to be safe lang, kasi ang dami na rin naman ngayong krimen regarding that,” pagtatapos ni Meg.