Will Liza Soberano consider being a beauty queen?

Liza reacts on people saying she could be Miss Universe someday.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/26/2017 8:52 PM
Will Liza Soberano consider being a beauty queen?


012617-LizaSoberanoFinal_PUSH.jpgPresent kamakailan ang Ilan sa mga kapamilya stars na si Matteo Guidicelli at Enrique Gil sa National Gift Auction ng 65th Miss Universe sa Conrad hotel Manila, Kasabay ng naturang event ang designer fashion show kung saan tampok ang mga gowns ng mga chosen Filipino designers.

Dito maraming fans ng LizQuen ang nakapansin at nagtanong kung bakit hindi kasama ng binata si Liza ng gabing iyon.

Read : Enrique Gil confidently says Liza Soberano could win the Miss Universe title

Nakapanayam naman natin si Liza Soberano sa isang event kung saan naibahagi nito kung bakit hindi siya kasama ng on screen tandem niya na si Enrique Gil ng gabing iyon.

“I was doing a shoot that time. I was invited as well pero due to my schedule, hindi ako nakapunta. I really wanted to go,” panimula nito.

Kuwento pa ni Liza nag paalam din daw sa kanya Si Enrique bago nito pinost sa social media ang picture kasama ang representative ng Costa Rica sa Miss Universe na si Carolina Duran.

“He told me right away. ‘Hopie, may picture ako with Miss Costa Rica ha? Ipo-post ko.’ I said, ‘Okay I don’t mind. You don’t have to make paalam or anything. It doesn’t matter to me," pahayag ni Liza.

Sinagot din ni Liza ang pagbibiro ni Enrique noong gabing iyon kung saan sinabi nito na 'I will bet all my money in the world for her to join and she’s gonna win Miss Universe because she’s the sweetest little girl, no pretensions.'

Aniya malaking karangalan ito para sa kanya pero hindi daw niya nkikita ang sarili niya na sasali siya sa mga pageant.

“It would be an honor to become Miss Philippines and join Miss Universe but I really don’t see myself in that path. It’s not for me. But natutuwa naman ako na people are telling me that I should join and stuff. Nakaka-touch din naman but it’s really not for me,” paliwanag nito.

Bukod dito naibahagi na din ni Liza ang kanyang magiging plans sa nalalapit na Valentine's Day kung saan makakasama nito ang on screen tandem na si Enrique Gil.

“The premiere night [of movie ‘My Ex and Whys’ is on February 14, Valentine’s Day. That’s my Valentine’s date, not only with Quen but also with our supporters, with the cast and crew of 'My Ex and Whys,'” pagtatapos na ni Liza.