• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina receives praises for her performance at the Miss Universe preliminaries

Maxine Medina receives praises for her performance at the Miss Universe preliminaries

Rumampa si Maxine Medina kasama pa ng 85 na kandidata sa preliminary competition ng Miss Universe

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/27/2017 1:34 AM
Maxine Medina receives praises for her performance at the Miss Universe preliminaries


012617-MaxineMedina_PUSH.jpgRumampa si Maxine Medina kasama pa ng 85 na kandidata sa preliminary competition ng Miss Universe nitong January 26, na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Itinayo ni Maxine ang bandila ng Pilipinas dahil sa angkin niyang galing sa modelling – suot ang swimsuit, evening gown at national costume.

Proud na proud ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe nang lumabas ito sa entablado para sa evening gown competition, suot ang emerald green gown na likha ng designer na si Rhet Eala.

Napuno ng malakas na hiyawan at pag suporta ang buong Mall of Asia Arena na talaga namang ikina-saya ni Maxine.

Para sa mga nagtatanong kung bakit ito ang kanyang napiling kulay ng gown sagot ni Maxine sa press, "Emerald green is really my color."

Aniya damang dama niya ang excitement ngayong gabi kung kaya bigay todo siya sa kanyang pag rampa. "Excited talaga ako. Iba yung feeling, masaya," sabi pa ng beauty queen.

Nagpasalamat naman agad ang kandidata para sa malakas na hiyawan at pagsuporta sa kanaya ng mga kapwa Pilipino na nanuod sa loob ng MOA arena. Aniya nabuhayan lalo siya at nagkaroon ng self -confidence dahil sa mainit na suporta ng kanyang mga kababayan.

"Mas lalong na boost yung energy ko and yung confidence ko. I'm super happy kaya salamat po!" masaya niyang pahayag.

Gaganapin na ang coronation ng 65th Miss Universe sa darating na Lunes, January 30 sa parehong venue.