• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Padilla and Aljur Abrenica share how the marriage proposal happened

Kylie Padilla and Aljur Abrenica share how the marriage proposal happened

Aljur Abrenica and Kylie Padilla also confirmed that they have a baby on the way.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

1/26/2017 2:30 PM
Kylie Padilla and Aljur Abrenica share how the marriage proposal happened


012617-KylieAljhurPUSH.jpgMatapos mapabalitang buntis na si Kylie Padilla sa boyfriend na si Aljur Abrenica, ibinalita rin ng management ni Kylie na engaged na rin ang aktres sa kanya. Sa eksklusibong panayam ng dalawa sa PEP.ph,ibinahagi nila kung paano nangyari ang proposal.

Ayon kay Aljur, matagal na siyang nag-propose kay Kylie at iyon ay noong nagpunta sila sa Japan noong October 2016.

“Ang engagement, nangyari before pa na nagkaroon ng mga rumors about the pregnancy. Nung nagkabalikan kami ni Kylie, masaya kami nag-plan kami ng trip sa Japan, nagkabiglaan. Tapos, inaano niya ako... ipinakilala niya ako sa Disney, sa Tokyo Disney Sea. Hindi naman ako Disney kid, e, so natutuwa ako sa kanya from the time na humarap… parang si Ariel (character sa The Little Mermaid) ata yung ipinakilala niya sa akin,” ani Aljur.

Dagdag ni Kylie, “May istatwa kasi dun na Ariel bago ka pumasok sa Disney Sea, yung underwater land na Atlantica. Tapos yun, ipinapakita ko sa kanya na, ‘Ito si Ariel, favorite ko siya. Dahil sa kanya, gusto ko maging mermaid.' Alam na niya na yun. Tapos, habang nagsasalita ako, nakatalikod ako sa kanya, akala ko nakikinig niya, hindi pala. Gusto na niya mag-propose. Kaya nag-post ako na, ‘Happiest tears.’"

Ayon kay Aljur, nagkaroon na rin ng second proposal pag-uwi nila ng Pilipinas at saka nangyari na rin ang third at final proposal.

“Nag-propose ako sa kanya, tapos pagdating namin sa Pilipinas, pag-uwi namin, we’ve decided na tumira sa iisang bahay kasi, para makita namin kung compatible kami sa isa’t isa."

“And then, that’s the time na naramdaman ko ulit na kailangan ko mag-propose ulit. Nag-propose ulit ako sa kanya. Meron akong… meron akong nakitang bakal na may plastic na kulay green, prinipare ko talaga para alam nila, ito siya..."

Pagkatapos nito, bumili ng singsing si Aljur at ibinigay sa aktres sa huli niyang proposal.

Dito na rin nila ibinunyag na magiging soon-to-be parents na sila.

“So, sa pagsasama namin ni Kylie, naramdaman niya na parang nabuntis siya. So, after a couple of weeks, nag-pregnancy test siya, and it’s positive,” sabi ni Aljur. Pag-amin ni Kylie, “Actually, before the pregnancy test, alam ko na. Kasi very aware ako sa katawan ko."

Dagdag ni Aljur, “Para ma-sure namin na buntis siya, I insisted na magpa-check-up kami sa OB, sa St. Luke's.”

Proud naman sila sa kanilang matatanggap na blessing.

“Ayun ang nakakatuwa kasi… masaya, kasi blessing yun, e. Sino ba naman ang hindi sasaya na nagkaroon ka ng anak, bilang isang lalaki, sa babaeng mahal na mahal mo? “Ever since naman, never na ako nagkaroon ng relationship... Kasi by, that time na nagkahiwalay kami ni Kylie, it wasn’t really paghihiwalay, e. Ang separation namin, it’s like time for getting matured. Panahon siya para ayusin namin ang sarili namin para mag-mature."

Naghiwalay ang dalawa noong 2014 at kinumpirma nilang nagkabalikan na sila noong September 2016.

Photo credit to kyliepadilla IG