• Home
  • Fresh Scoops
  • Shamcey Supsup gives Maxine Medina advice on handling bashers

Shamcey Supsup gives Maxine Medina advice on handling bashers

Shamcey Supsup wants Maxine Medina to focus on her Miss Universe dreams

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/26/2017 6:41 AM
Shamcey Supsup gives Maxine Medina advice on handling bashers


012617-ShamceyLloyd_PUSH.jpgPresent ang malalapit na kaibigang beauty queen ng 2011 Miss Universe third runner up na si Shamcey Supsup para sa birthday celebration kanyang anak na si Baby Nyke sa asawa nitong businessman man na si Lloyd Lee.

Dito nakapanayam natin si Shamcey tungkol sa kanyang mga naging tips at advice para sa Miss Universe Philippines bet Maria Maxine Medina, lalong-lalo na para sa mga pumupuna sa kakayahan nito. "When I talk to her last December, I told her na lahat kami pinag daananan namin ang ma-bash, lahat kami may story ng na bash at kung masyado niyang didibdibin at kung lahat nalang ay pakikinggan mo… just listen to people who you think have your best interest in mind yun lang yun so wag masyado isipin ang lahat ng sinasabi sayo ng mga hindi mo naman kilala and just enjoy the competition."

Bukod dito sang ayon di si Shamcey sa naging matunog na usap-usapan ng pagpapagamit kay Maxine ng interpreter kung sakali has kailanganin nito para sa Question and Answer.

"It's not an issue kumbaga, if you much more confident in speaking your native language why not? And they always done this, a lot of Miss Universe winners marami din naman ang nag-interpreter. Hindi naman kawalan kung mayroon. Ako gusto ko for her to do that. If she feels comfortable in answering in English then she can opt to answer in English pero kung tingin niya mahihirapan siya at least mayroon nang interpreter na andon," paliwanag ni Shamcey.

Masaya din ang former Miss Universe Philippines sa pagpili ng Miss Universe Organization sa mga formers winners nito bilang mga opisyal na magiging judge sa coronation night.

Aniya mas experienced at mas masasala ng mabuti ang mga qualified na kandidata na susunod na mag susuot ng korona.

"I'd like that better kasi the past few years that I've watched parang madami sa mga judges ang hindi sanay sa beauty pageant, kaya feeling ko mas mabuti din na former queens din ang judges because they know ang qualities na hinahanap nila sa girls dahil napagdaanan na nila lahat yun," pagtatapos ni Shamcey.