• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe India Roshmitha Harimurthy admits feeling pressured with Sushmita Sen as a judge

Miss Universe India Roshmitha Harimurthy admits feeling pressured with Sushmita Sen as a judge

Miss Universe India Roshmitha Harimurthy is excited to meet Sushmita Sen for the first time

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/26/2017 6:39 AM
Miss Universe India Roshmitha Harimurthy admits feeling pressured with Sushmita Sen as a judge


012617-MissIndia_PUSH.jpgExclusive natin nakausap si Miss Universe India Roshmitha Harimurthy bago siya isalang sa closed door interview para sa preliminery rounds ng 65th Miss Universe. Aminado si Roshmitha na nadagdagan ang pressure sa kanya ng pormal ng ihayag na uupo bilang isa sa judge ng Miss Universe 1994 si Sushmita Sen, ang unang title holder mula sa kanilang bansa.

"Honestly I feel it gets a little tougher because maybe there will be a lot expectation that India should perform more. Well I feel that pressure and she’s very, very beautiful."

22 years old na si Roshmitha mula sa Banglore, India at kasalukuyang kumukuha ng kursong ng Masters in International Business. Kahit na siya ang representative ng kanyang bansa para sa Miss Universe at iisang mundo lang ang kanilang ginagalawan, hindi pa nagkaka kilala ng personal sina Roshmitha at Sushmita Sen.

"I’ve never met Sushmita Sen so this will be the first time I will get a chance to see her and a little child in me applauded!"

Nagpapasalamat si Roshmitha sa mainit na pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan para sa Miss Universe Pageant.