Miss Universe holds auction for charity

Miss Universe raises funds for HIV awareness.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/25/2017 10:29 AM
Miss Universe holds auction for charity


012517-Maxine_PUSH.jpgBumida ang ilan sa nagagandahang memorabilia at accessories ng 86 na kandidata ng 65th Miss Universe para sa traditional gift auction ng Miss Universe Organization nitong Lunes, January 23, ng gabi.

Kabilang dito ang mga kakaibang items na bitbit ng mga kandidata dito sa Pilipinas gaya ng mga porcelain jars, mini sculptures at mga paintings.

Pinag agawan naman sa halagang 120,000 Php ang Jewelry item na dala ni Miss Universe Brazil.

Nabili naman ng pageant expert at mentor na si Jonas Gaffud ang item ni Miss Universe Russia na isang korona na pinuno ng mga mamahaling Perlas.

Samantala ang Miss Universe Organizations head na si Paula Shugart naman ang nakakuha ng item ni Miss Universe Philippines na isang pearl jewelry set.

Inaasahan na ang mga kinita ng nasabing gift auction ay mapupunta sa charity partner ng Pass It Forward na Positive Action Foundation Philippines kung saan makikinabang ang mga persons infected with HIV/AIDs na pangunahing tunutulungan ng reigning Miss Universe Pia Wurtzbach.

PHOTOS: Miss Universe candidates' bring gifts from their home country for charity auction