• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca on Angeline Quinto’s acting: ‘Magaling siya, nakakatuwa’

Jake Cuenca on Angeline Quinto’s acting: ‘Magaling siya, nakakatuwa’

Jake Cuenca says he is impressed with his new leading lady Angeline Quinto.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/26/2017 6:44 AM
Jake Cuenca on Angeline Quinto’s acting: ‘Magaling siya, nakakatuwa’


012617-JakeAngeline_PUSH.jpgPagkatapos mapanood nang buo ni Jake Cuenca ang pelikula nila ni Angeline Quinto na “Foolish Love” na nagkaroon ng successful premiere sa SM Megamall Cinema 7 last Tuesday (Jan. 24), puro papuri ang nasambit niya tungkol sa singer-actress.

“Magaling si Angeline,” simulang pahayag ni Jake after the celebrity premier ng kanilang pelikula.

“Saka natuwa ako kasi binenta nila yung pelikula na parang rom-com. Nagawa niya, na-fulfill niya yon, ang galing.

“Nakakatuwa yung mga eksena namin kasi ang seryoso ko pero binabawi niya sa comedy. So, for me, parang for me… wini-wish ko na makatrabaho ko ulit si Angge kasi parang feeling ko maganda yung team-up namin.

“Ang galing niya, nakakatuwa. Bilib ako sa kanya. Bukod sa pagiging napakagaling na singer ang husay niyang artista,” papuri pa niya sa kapareha sa pelikula. Proud din daw siya sa kinalabasan ng pelikula.

“Sa premiere night rin lang namin nakikita yung pelikula and ako, I can say that this is a movie that I’m very proud of at natutuwa ako na sinulan ko rin yung taon with this movie with Angeline and Direk Joel. Nakakatuwa yung simula ng taon,” pahayag pa ng actor.

Dahil sa success ng “Foolish Love,” malamang na may gawin ulit pelikula si Jake sa Regal Entertainment.

“May inaareglo akong bagong pelikula sa Regal. May inaaayos sila do’n. Si Lovi Poe ata ang makakasama ko. Pini-pitch pa lang, eh. Not yet final pero nag-uusap na sila ng management ko,” kuwento ni Jake.

Samantala, enjoy pa rin si Jake sa pagkakaroon ng mahabang buhok kahit medyo mainit ang panahon.

“I like it. Gusto ko siya. Hindi naman mahirap i-maintain, for me mas madali. Pero pag dumating naman sa tamang role, gugupitan ko siya. Ginawa ko ito for Passion de Amor, tinuloy ko lang siya.

“It’s either you like it or you hate it. For me, I love it, ang hirap kasi pinatubo ko ng dalawang taon, saka sa soap nagustuhan nila yung look ko. Pero sabi ko nga, ako naman, willing naman akong gupitan for the right role.

“But for now, I wanna experiment with different roles na ganito yung itsura ko. If they offer me different weird roles, kahit transvestite I’ll do it. Can you imagine, yung role dito sa Foolish Love kung ginawa ko yon with short hair, hindi yon magmumukhang ganu’n ka-weird, di ba?” pagtatapos ni Jake.

Showing na simula ngayong Jan. 25 ang Foolish Love na pinagbibidan din nina Tommy Esguerra at Miho Nishida under the direction of Joel Lamangan.