Dirty Old Musical 2017 restaging

Nagbabalik entablado ang matagumpay na produksyon ng Dirty Old Musical na isa sa matagumpay na original pinoy stage production ng 2016.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/25/2017 10:23 AM
Dirty Old Musical 2017 restaging


012517-DOM_PUSH.jpgNagbabalik entablado ang matagumpay na produksyon ng Dirty Old Musical na isa sa matagumpay na original pinoy stage production ng 2016.

Pinangungunahan ni Robert Seña mula katatapos lang na Till I Met You kilig serye kasama ang Jadine ang musical. Dito ibinahagi ni Robert na masaya ang pagbabalik niya sa teatro at kung saan may makakasama silang bago sa cast.

"We’re all excited to do this again. Alam mo na ang mga boys will do ang mga routines nila. Andaming mga sayaw and we are welcoming a new cast si Carlo Orosa na pumalit kay Michael Williams kasi mayroon siyang production,” sabi pa nito.

Espesyal naman ang Dirty Old Musical para sa sexy comedian na si KitKat dahil dito nya nakuha ang kanyang unang Aliw award na kumilala sa kanyang talento sa pagpe perform.

"Hindi ko naman akalain na mabibingwit ko ang Aliw awards best actress in a featured role so kung talagang ginaganahan ako sa pagganap bilang Jessa dito sa DOM. Mas lalo ako ginanahan siyempre nagkaroon ako ng award," pahayag ni KitKat.

Reunion naman ng magkakaibigan at hindi trabaho ang stage musical na ito para kay Bimbo Cerrudo na nakiki-bonding sa malalapit sa kanya tuwing may performance sila.

"Parang di na nga kami umaarte rito kasi nga sa edad namin halos lahat ay nadaanan na namin ang ganito klaseng role kaya parang naglalaro nalang din ang lahat kaya masaya," pagtatapos na kuwento ni Bimbo.

Mapapanuod ang Dirty Old Musical sa January 26, 27 at 28 sa Music Museum.