A look at the life of 1993 Miss Universe Dayanara Torres

Dayanara Torres was the third Miss Puerto Rico to win Miss Universe.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/25/2017 10:30 AM
A look at the life of 1993 Miss Universe Dayanara Torres


012517-DayanaraTorresF_PUSH.jpgSi Dayanara Torres ang Miss Universe mula sa Puerto Rico at ang may hawak ng korona nang maganap ang prestigious pageant dito sa Pilipinas noong 1994. Si Dayanara ang nagpasa ng Miss Universe crown kay Sushmita Sen. Naging issue pa ang pagkakapanalo ni Dayanara ng major pageant title dahil 17 years old lamang siya noon, pero naging basehan ang pagiging 18 years old na niya nang lumaban na siya sa Miss Universe.

Bilang Miss Universe naging ambassador siya ng UNICEF na naglibot sa buong Asia at Latin America bilang suporta sa organization. Sa kanyang reign, itinatag din ang Dayanara Torres Foundation na tumutulong sa financially-challenged students sa Puerto Rico at kalaunan kasama na rin ang Pilipinas.

Matapos ang kanyang term as Miss Universe, sumabak sa local showbiz sa Pinas si Dayanara at nakagawa ng sampung mga pelikula. Ilan dito ay nagmarka sa mga Pinoy tulad ng Basta’t Kasama Kita, kung saan naging leading man ang ex-boyfriend na si Aga Muhlach, at Hataw Na kasama naman si Gary Valenciano.

Sa telebisyon, regular na napanood at mas hinangaan si Dayanara sa kanyang dancing talent sa mga programang ASAP at Eezy Dancing. Dito rin nabansagan ang beauty queen na "Dancing Queen."

Minahal ng local showbiz si Dayanara at nanalo ng Best New Female TV Personality sa 10th PMPC Star Awards for TV.

Bumalik sa Puerto Rico ang beauty queen taong 1998 at sinubukan naman ang recording scene sa kanyang first studio album na "Antifaz" na umakyat sa Billboard Latin Music Charts at sa Pilipinas.

Ikinasal si Dayanara sa Latin Superstar na si Marc Anthony sa Las Vegas year 2000 at nagkaroon ng sila ng dalawang anak. Nagkahiwalay sina Dayanara at Mark Anthony noong 2003.

Excited ang lahat sa Pilipinas ngayong 2017 dahil nagbabalik si Dayanara para sa 65th Miss Universe Pageant at sinabi ring muling babalikan ang kanyang showbiz career.
























 Main photo credit to dayanarapr IG