• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez and Maria Rafaela Yunon have advice for new Miss World Ph Franchise holder

Ruffa Gutierrez and Maria Rafaela Yunon have advice for new Miss World Ph Franchise holder

Ruffa Gutierrez and Maria Rafaela Yunon react to Miss World Phlippines changing franchise owners

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/24/2017 9:58 AM
Ruffa Gutierrez and Maria Rafaela Yunon have advice for new Miss World Ph Franchise holder


012417-RuffaRafaela_PUSH.jpgKasabay ng patuloy na Miss Universe fever sa bansa ngayon, naging mainit din kamakailan ang balitang pagbibitiw ni Ms Cory Quirino bilang franchise holder ng Miss World Philippines.

Read:Cory Quirino ends Miss World PH franchise duties

Kasunod ng mainit na balita ay ang agad na pag-anunsyo na si Arnold Vegafria ang siyang nakakuha ng franchise at responsibilidad ng organisasyon.

Dahil dito iba't ibang reaksyon ang naging tugon ng mga pageant enthusiasts at ng mga former Miss World finalists sa pangayayari na ito sa Miss World Organization.

Kabilang ang 2003 Miss World 4th runner-up na si Maria Rafaela Yunon at 1993 Miss World 2nd runner up Ruffa Gutierrez sa mga nagbigay komento sa mga pagbabagong ito sa Miss World Ph.

"First of all, congratulations to Mr. Arnold Vegafria. It's always an inspiration to the youth as a pageant director. For me, my advice would be to keep inspiring, be a leader that a lot of the youth are looking for now especially now that [the] beauty pageant scene in the Philippines become bigger," kuwento nito sa opening ng Tasty Tucker coffee shop sa Mandaluyong.

Willing din umano ang former Miss World finalist na maging adviser kung sakaling kailanganin ng bagong director nito ang tulong upang mapabuti pa ang kinabukasan ng mga magiging kandidata ng Pilipinas sa Miss World.

"I'm here to help. Call ka lang. Kasi for me naman kasi I love my country, I loved my experiences in representing my country so I want to be able to give back to my fellow men," pahayag nito.

Para naman sa 1993 Miss World 2nd runner up at aktres na si Ruffa Gutierrez nalungkot umano siya sa balitang pagbibitiw ni Cory Quirino sa Miss World.

"Actually I wasn't aware na talagang binitawan na niya [Miss World Ph Franchise] and I was shocked right now sa mga naririnig ko, I don't know what happen to the future of girls kung wala siguro siya," pahayag nito sa MAC event HIV AIDs fund raising activity ng Miss Universe Organization.

Ganun pa man masaya pa din ang former Beauty Queen para sa bagong mag papatuloy ng Miss World na si Arnold Vegafira at tiwala siya sa magiging pamumuno nito.

"I love Arnold I'm sure he's going to be doing a good job. I believein him and I will support him," pagtatapos ni Ruffa.