• Home
  • Fresh Scoops
  • Maria Isabel Lopez says Maxine Medina has the right to get an interpreter for Miss Universe

Maria Isabel Lopez says Maxine Medina has the right to get an interpreter for Miss Universe

Maria Isabel Lopez believes that if having an interpreter will help Maxine Medina express herself better then she should get one.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/24/2017 9:53 AM
Maria Isabel Lopez says Maxine Medina has the right to get an interpreter for Miss Universe


012417-MariaIsabelLopez_PUSH.jpgBilang isang dating beauty queen at 1982 Binibining Pilipinas-Universe, hindi nakaligtas si Maria Isabel Lopez sa tanong ng ilang entertainment press kung sa tingin ba niya ay okey lang na kumuha si Maxine Medina ng interpreter sa question and answer portion ng Miss Universe na gagawin dito sa Pilipinas on January 30 if ever na pumasok siya sa Top 6.

“Wala pa naman tayong precedent na ang Miss Philippines ay kumuha ng interpreter in any pageant around the world even in the past. Wala rin naman tayong batas na nagsasabing bawal ‘yun.

“So, if ever, Maxene will be the first one to do it and she has every right to do it. Kung hindi mo ma-express maige ang answer mo or baka kabahan ka or you’re not confident enough, you’re always free to get an interpreter,” paliwanag agad niya.

Patuloy ni Maria Isabel, “But like what Gloria Diaz (former Miss Universe) said, it’s one in a million chance for her as being the host country. So, good luck na lang sa ating candidate.”

Inamin din ng dating beauty queen na nagkakaroon ng madalas na pumapasok sa semi-finals ang candidate ng host country na pinagdarausan ng Miss Universe.

“Madalas ang nangyayari sa Miss Universe, kapag ikaw ang host country they always put the candidate sa Top 10. But then, our candidate really need to come on strong. Kailangang malakas na malakas ang dating niya to really make it to the Top 6.”

Ayon pa kay Maribel, malakas naman daw ang laban ni Maxine kung tutuusin.

“Si Maxine, she’s gorgeous, she’s beautiful… kasi remember in a pageant, lahat maganda, so kumbaga, what will make her standout, yon ang dapat makita.

“So, kahit sabihin nilang it’s not an intelligence contest, aminin natin that the intelligent candidate always stands out,” pahayag pa niya.

Isa-suggest ba niyang gumamit ng interpreter si Maxine?

“If she thinks she’s not confident enough sa Q and A portion, given na nado’n siya sa mga Top 6, kumuha ka ng interpreter. But then, kung pretty much confident naman and you don’t need one, because karamihan naman sa mga naging title holders natin ay hindi naman talaga gumamit ng interpreter.

“If you can get away with it, ‘wag na lang, and if you can really express your answers well. Now, if you do not have that confident, you’re always free to get an interpreter, baka mamaya mas mapaganda pa yung sagot mo, di ba?” katwiran ni Maria Isabel na kasama sa pelikulang Swipe na showing on February 1 sa mga sinehan.