• Home
  • Fresh Scoops
  • Lea Salonga reacts on interpreter issue of Miss Universe PH bet Maxine Medina

Lea Salonga reacts on interpreter issue of Miss Universe PH bet Maxine Medina

Lea also explains why she's not performing at the 65th Miss Universe pageant.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/24/2017 3:40 PM
Lea Salonga reacts on interpreter issue of Miss Universe PH bet Maxine Medina


012417-LeaSalonga_PUSH.jpg

Present at tumanggap ng parangal ang Tony award winning singer - actress at Broadway Diva na si Lea Salonga sa naganap na Women Empowerment Awards Night kung saan isa siya sa 10 Most Outstanding Pinay na may malaking naiambag sa kani- kanilang mga larangan.

 

Kasabay ng pagdiriwang ang tradisyunal na gift auction ng mga kandidata ng 65th Miss Universe pageant at ang designers’ showcase kung saan rumampa ang mga kandidata suot ang mga likha ng Filipino fashion designers.

 

Bago mag simula ang parangal nakapanayam ng PUSH si Lea at naitanong dito kung sino sino na ang mga kandidata na may malaking points para sa kanya bilang dating nag judge sa 2011 Miss Universe na ginanap noon sa Brazil.

 

"Wala pa, the candidates are all here tonight so I'm excited to see them in person, including Maxine. Hindi ko pa siya nakikita at hindi ko pa siya natatagpuan kahit saan, I've seen pictures of her online and wala pa ako nakikita na ibang candidates. I think I might have favorites after tonight,” panimula nito.

 

Dahil sa experience ni Lea sa pagiging hurado noon sa Miss Universe, naitanong din natin sa kanya kung nararapat ba na kumuha ng interpreter ang pambato ng Pilipinas.

 

"If it's going to be helpful for her I don't see anything wrong with it, if she feels that it will help her to express herself the way that is maiintindihan talaga at mauunawaan ng buong mundo at ang magiging sagot niya ay yung talagang swak and if it doesn't feel na mag stumble siya sa pag express ng sarili niya, then she can absolutely use an interpreter," paliwanag ni Lea.

 

Bukod dito agad din naman nilinaw ng Broadway star ang  naging maugong na balita kamakailan sa social media tungkol sa pag pe-perform umano niya para sa Miss Universe pageant. Aniya na hindi siya na inform ng organizers para dito at marahil ay na excite lamang ang nag balita para sa pageant.

 

"That was wrong who ever publicized that really made a big mistake so I mean it's nice to be regarded in that way but I wasn't booked, I was not invited to perform, so medyo may na excite lang siguro," pagtatapos na kuwento ni Lea.