• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Luis Alandy looks forward to getting married next month

EXCLUSIVE: Luis Alandy looks forward to getting married next month

Luis Alandy says he and his wife-to-be aren’t planning to have kids right away.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/24/2017 10:01 AM
EXCLUSIVE: Luis Alandy looks forward to getting married next month


012417-LuisAlandy_PUSH.jpgNaka-set na sa February 17, 2017 ang kasal ng balik-Kapamilya actor na si Luis Alandy. Gaganapin ang kanilang garden wedding ng non-showbiz girlfriend na si Joselle Fernandez sa Tagaytay.

Ayon kay Luis nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng pelikulang Swipe, handa na raw siyang mag-asawa.

“Ready na ako. It’s fun, a new chapter I look forward to. Kasi siyempre, nakikita ko na all of my siblings are already married, so, masaya naman sila.

“Hindi na rin naman parang bago ito na parang bigla akong ikakasal. Matagal na rin. Well, nakakatuwa na nakikita ko yung mga friends ko na halos kasabay ko dati in show business na halos may family na, may mga anak na. And they’re very happy, so minsan, dumadating yung ano, na you see yourself in that stage ng buhay,” balita sa amin ni Luis.

Almost two years munang naging magkaibigan si Luis at ang future wife niya bago sila nagdesisyong magpakasal.

“With us kasi, sa sobrang love ko siya at nakita ko na talagang siya na. She has a good family, yung personality niya, we jive together. Hindi na siya yung parang kailangan mo pang i-discover. So bakit hindi na lang gawing forever di ba?

“Hindi siya love at first sight. We’re friends for more than a year then it evolved into… Mas okey yung ganu’n, na sa friendship nag-start yung relasyon para mas mabigat yung foundation tsaka less inhibitions,” kuwento pa ni Luis.

Kahit non-showbiz ang GF ni Luis, hindi raw naging isyu dito ang klase ng mga pelikulang ginagawa niya kahit pa daring ang kadalasang role niya.

“Nakakatulong din na naiintindihan niya yung work ko kasi kilala naman niya ako even before we got together, kung ano yung work ko. Hindi naman ako yung tipong… she knows my artistic mind, eh. Hindi siya yung parang selosa. Alam naman ng iba na hindi naman ako tanggap nang tanggap ng pelikula. I choose the film that I do, so ayun,” sey pa ng actor.

Samantala, hindi pa alam ni Luis kung ilang anak ang gusto niya. Hindi pa raw nila ito napag-uusapan ng kanyang future wife.

“Since we had a short engagement we’re planning to spend a lot of time together first before having a family. Kumbaga, i-enjoy muna namin ang isa’t isa. Hindi muna mag-aanak,” katwiran pa ng actor.

Ano ba ang nilo-look forward niya sa kanilang marriage?

“Ang nilu-look forward ko is waking everyday seeing my wife beside me. The thought of being with her, my wife to be, parang ang saya, kinikilig pa rin ako,” sagot niya.

Ayon pa kay Luis, mga kaibigang artista lang ang inimbita niya sa kanyang kasal. Isa raw sa mga ninong ay si Aga Muhlach na kaibigan ng daddy niya. “Pero inimbita ko rin sina Marco Alcaraz, Joross Gamboa at Jason Abalos… I think sila lang.”

Ang Swipe ay pelikula tungkol sa paghahanap ng perfect match sa online dating sites sa social media. Ang Viva, Aliud Entertainment at Ledge Films ang producer ng pelikula na pinagbibidahan ni Meg Imperial at showing na on February 1.