Dayanara Torres is back in Manila

Dumating na sa Pilipinas ang 1993 Miss Universe at model-actress na si Dayanara Torres bilang isa sa opisyal na judge ng 65th Miss Universe

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/25/2017 12:30 AM
Dayanara Torres is back in Manila


012417-DayanaraTorres_PUSH.jpgDumating na sa Pilipinas ang 1993 Miss Universe at model-actress na si Dayanara Torres bilang isa sa opisyal na judge ng 65th Miss Universe pageant na magaganap ngayong January 30 sa MOA Arena.

Mainit na sinalubong ng mga taga-hangga at ng ilang Pinoy na pasahero sa airport ang dating Miss Universe.

"Mabuti and so happy at masaya ako na nakabalik ako sa Pilipinas, Hataw na!" pagbati ni Dayanara na nag-pa-practice na agad mag-Filipino.

"Yes I will be judging [65th Miss Universe] it's great to be a judge, it's my third time actually. Being a judge and it's fun and will definitely be less nerve wracking because you're not the one standing on stage and I'm only judging," pagbabahagi pa ng beauty queen.

Bilang judge ng Miss U naitanong kay Yari (palayaw ni Dayanara) kung ano ang mga qualities ng isang Miss Universe na kanyang hinahanap sa susunod na magsusuot ng korona.

"Definitely self-confidence and to be an empowering woman, it is a beauty pageant that is true, but it's absolutely not the whole of it, you can be beautiful but somebody who has a lot of confidence and a powerful personality can win you over," sagot nito.

Bukod sa Miss Universe, looking forward din daw ngayon si Yari sa ilang mga bagay na kanyang na miss dito sa Pilipinas, gaya ng mga pagkaing Pinoy at higit sa lahat ang Sunday noon time show ng ABS-CBN na “ASAP” na minsan niyang naging tahanan noon.

"I miss ‘ASAP,’ I miss lumpia, sinigang na baboy and so many things, but working at ‘ASAP,’ I learned so much that was definitely one of the things I'm looking forward [to]. We’re in talks and I might stay longer. Hopefully, we'll see!" naka-ngiting kwento ni Yari.

Naitanong din sa beauty queen kung posible ba ang reunion movie sa kanila ng dating leading man at ex-boyfriend na si Aga Mulach.

"Can you imagine that will be something … really or with Gary V! I saw Gary and Angeli (Valenciano) in LA for the past few months and its lovely," tugon nito.

Sa ngayon masaya si Dayanara sa kanyang muling pagbabalik Pilipinas, na itinuturing niya na ikalawang tahanan. Aniya inaasahan din niya ang pagkikita nila ng personal ng reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

"So happy, masayang masaya ako nakabalik [ako] dito sa Pilipinas. It really feels like I'm home, at home na at home talaga ako dito. I feel it's my second home and it's lovely to be back and I'm looking forward of meeting her (Pia Wurtzbach) for the first time actually here in the Philippines,” sabi pa ni Dayanara.