• Home
  • Fresh Scoops
  • Ariel Rivera is excited about reuniting with former ASAP co-host Dayanara Torres.

Ariel Rivera is excited about reuniting with former ASAP co-host Dayanara Torres.

Ariel Rivera is looking forward to Dayanara Torres’s expected visit to the country.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/24/2017 9:43 AM
Ariel Rivera is excited about reuniting with former ASAP co-host Dayanara Torres.


012417-ArielRivera_PUSH.jpgAfter 10 years, balik Valentine's show ang singer-actor na si Ariel Rivera kung saan makakasama niya ang ilan sa magagaling na mang-aawit para sa Love Throwback gaya nila Hajji Alejandro, Joey Generoso, Jinky Vidal, Christian Bautista, at Nina.

Aniya, excited siya dahil sa magandang oportunidad umano ito kung saan makakasama niya ang ilan sa kanyang mga ninanais na maka-trabaho.

"I'm excited I'll be working with these great people, actually that's the reason why I accepted this project because I want to work with them."

Amindo din si Ariel na mas prioridad na niya ngayon ang maging artista kaysa sa pag-awit kung kaya talagang mapilili na umano siya sa pagtanggap ng mga concert projects gaya nito.

"Extremely, I rarely get to do shows na kasi I think 90 percent of my work ay puro teleserye na din kasi, so when you get that 10 percent of chance of doing a concert syempre pipiliin mo kung ano yung gusto mo gawin," sabi pa ni Ariel.

Bukod dito, excited din si Ariel ng nabalitaan niya ang muling pagbabalik bansa ng 1993 Miss Universe Dayanara Torres para sa isang espesyal na partisipasyon nito sa Miss Universe coronation night.

“I love Dayanara. She’s a close personal friend of mine. We used to travel together to Hawaii yung grupo namin. I'm excited to see her come back here, I think she belongs here personally. I think the Filipino people fell in love with her, I’d love to see her back here," sabi pa nito.

Kuwento pa ni Ariel ng makasama niya ito sa ASAP noon ay very Filipino by heart talaga si Dayanara kung kaya hindi nila maramdaman na dati itong Miss Universe.

“Nakakatuwa yung laugh niya, I just love the way she laughs, the energy she has when we are together, I love her energy, I love the way she laughs, She has downplayed who she was before being the Miss Universe, pero hindi siya ganun, Hindi siya yung asta na Miss Universe. She is so Filipino in every way," pagtatapos ni Ariel.

Sa ngayon looking forward si Ariel sa possibleng get together nila ng mga former ASAP co-host sa pagbabalik ni Yari sa bansa.