• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Baron Gerisler says mom's death is 'bitter sweet'

EXCLUSIVE: Baron Gerisler says mom's death is 'bitter sweet'

Baron says he was able to say goodbye to his mom Grace before she passed away.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/23/2017 10:04 AM
EXCLUSIVE: Baron Gerisler says mom's death is 'bitter sweet'


012317-Baron1_PUSH.jpgPumanaw na ang butihing ina ng actor na si Baron Geisler na si Mommy Gracia Geisler sa edad na 60. Binawian siya ng buhay kagabi (Jan. 22) bandang 10:03 p.m. dahil sa iba’t ibang sakit na cancer at sa mga komplikasyon nito.

Sa phone interview namin kay Baron ay naikuwento niya kung ano ang nangyari bago pumanaw ang mama niya.

“Nagpapaalam ako kay mommy kagabi kasi pupunta ako dapat ng Tagaytay. Umuwi muna ako ng bahay after kong mag-church sa Victory Clark kasi parang bigla kong na-miss si mommy.

“Naligo ako. Nagba-bye ako nang  malaking bye-bye kay mommy. ‘Mommy, punta po ako Tagaytay retreat, para sa healing ko yon. Hindi na ako umiinom. Responsive naman siya. Tuwang-tuwa.
       
“Tapos biglang ngumiti siya. Parang nagba-bye siya sa akin. Tapos biglang parang… yung sa mata niya, gusto niyang sabihin na ‘mag-ayos ka, keep it up anak.’ Kasi parang ako na lang yung anak niya na parang hindi pa prepared for life, eh. Sinasabi niya sa mga sisters ko, na si Baron alagaan n’yo,” emosyonal na kuwento ng actor.

Patuloy pa ni Baron, “Nilapitan ko siya at nakita ko na parang hirap na hirap na siyang huminga. Bitter-sweet yung pagkamatay ni Mommy kasi araw-araw siyang nahihirapan, araw-araw na umiiyak.

“Tapos parang pelikula. Kasi nung nag-I love you na kaming lahat (magkakapaid), may luha yung mata niya. Kilala mo si mommy, fighter na fighter yan… pero parang ganu’n siguro. Sabi niya siguro, puwede na siyang umalis kasi happy na siya dahil ako naman yung pinagdarasal niya.”

Sinubukan pang dalhin si Mommy Gracia sa Medical City Hospital sa Clark pero bago pa man siya isinugod ay binawian na ito ng buhay.

“Sa kuwarto siya namatay. Hindi naman kami masyadong naging emosyonal. Bitter-sweet moments nga, eh,” reaksyon pa niya.

According to Baron, mahal niya ang kanyang Mommy Gracia.
 
“She was a great mother to us. May doctor, siya, dentist, actor, Olympian,manager na mgga anak. The best siyang ina. Sobrang mami-miss ko siya,” emosyonal pa rin niyang pahayag.