What happened to Sushmita Sen after winning Miss Universe?

Know more about India’s first Miss Universe and what became of her after she won the crown in the Philippines in 1994.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/23/2017 12:38 AM
What happened to Sushmita Sen after winning Miss Universe?


012317-SushmitaSen_PUSH.jpgKilala ng mga Pilipino si Sushmita Sen, ang 1994 Miss Universe na kinoronahan dito sa Pilipinas. Siya rin ang unang delegada mula sa India na nakasungkit ng korona bilang pinaka magandang babae sa Universe.  Pangatlo lang si Sushmita sa ranking noon sa preliminary rounds ng Miss Universe at laging nakukuha ni Carolina Gomez ng Colombia ang top spot. 

Ipinanganak noong November 19,1975, instant celebrity si Sushmita sa kanyang bansa dahil sa karangalan at history na kanyang ginawa. Pinasok niya ang Bollywood at ginawa ang una niyang Hindi film na pinamagatang "Dastak.”

At tulad ng suwerte niya sa Miss Universe, nakakuha rin ng acting awards si Sushmita sa mga pelikulang kanyang ginawa. Kasama na rin sa kanyang mga nakuhang parangal ay ang Mother Teresa Award for Social Justice at Eternal Beauty and Actress of the Decade mula sa India Leadership Conclave. 

Gumawa rin ng history ang 1994 Miss Universe bilang unang single woman na pinayagan ng Court of Bombay na mag-adopt ng isang batang nag ngangalang Renee noong year 2000. Isang three-month-old girl naman na pinangalanan niyang Alisah ang kanyang inampon noong January 13,2010. 

Hindi pa nakakapag-asawa si Sushmita at ayon sa mga reports open naman ang beauty queen sa estado ng kanyang love life. Ang huling napabalitang kasintahan niya ay ang Indian hotelier na si Ritik Bhasin.  

Ngayon muli nabuhay ang interes ng ating mga kababayan kay Sushmita nang mag-post ang beauty queen na isa siya sa magiging judge sa 65th Miss Universe dito sa Pilipinas.

Hindi naitago ni Sushmita na maging emotional sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas na tinawag niyang "home" kung saan nagsimula ang lahat ng magagandang oportunidad sa kanya.