Pia Wurtzbach leads fundraising ceremony for HIV/AIDS in PH

Pia Wurtzbach plans to continue her HIV/AIDS awareness advocacy even after her Miss Universe reign.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/22/2017 10:21 AM
Pia Wurtzbach leads fundraising ceremony for HIV/AIDS in PH


012217-PiaWurtzbach_PUSH.jpgWala nang sinasayang na sandali ang reigning Miss Universe Queen Pia Wurtzbach sa kanyang nalalabing panahon bilang kinatawan ng pamosong organinsasyon.

Tutok at hands-on pa din si Queen P pagdating sa pagtupad sa kanyang adbokasiya bilang Miss Universe na may kinalaman sa HIV/ AIDs lalo na sa Pilipinas.

Abala man sa pag-aasikaso sa organisasyon, dumalo si Pia sa isang event for a cause ng isang sikat na makeup brand na MAC.

"The proceeds of this event will help the nutritional needs of the people who are living with HIV/AIDs, and also this will help the new wing of San Lazaro General Hospital we're they focus with patients of HIV/AIDs," Ani ni Queen P.

Aniya, kulang na kulang pa din ang pondo pero magandang umpisa na ito para sa mga mas may kailangan.

"Kulang pa talaga ‘to pero this will be a great start," saad pa ni Pia.

Dahil nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe, naibahagi ni Pia na nasa susunod na kandidata ang desisyon kung nanaiisin pa nito ituloy ang kanyang nasimulan.

"Ako naman kung hindi talaga nasa puso niya yung adbokasiya na mayroon tayo ngayon, ayaw ko naman ipilit at i-push kasi baka mayroon siyang advocacy sa puso niya. Okay lang naman din yun at okay lang sa Miss Universe Organization yun."

Pagbabahagi pa ni Pia, hindi man mapili ng susunod na Miss Universe ang kanyang adbokasiya, mananatili pa din daw siyang aktibo sa pagtulong sa kanyang pamamaraan.

"Nagkataon lang naman na sa akin ito ang gusto ko, not necessarily na kailangan gayahin at ipagpatuloy ng next winner. Pero sa akin sa sarili ko alam ko na itutuloy ko ito," pagtatapos ni Pia.