• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary V, Martin-Lani, and Vice Ganda lead line-up of shows this Valentine's Day

Gary V, Martin-Lani, and Vice Ganda lead line-up of shows this Valentine's Day

Siksik at mag uumapaw na pagmamahal ang handog ng mga paborito nating mga concert performers sa darating na Araw ng mga Puso.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/23/2017 12:39 AM
Gary V, Martin-Lani, and Vice Ganda lead line-up of shows this Valentine's Day


012317-CONERT_PUSH.jpg












Gary V. Love in Motion 

012317-CONERT1_PUSH.jpg

Isang charity concert ang naging konspeto ng inihahandang concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ngayong Valentine's Day.

Pangunahing beneficiary ng concert ni Gary V ang mga nasalanta ng bagyo ni Typhoon Nina, na sumira sa pangkbuhayan ng mga taga-Bicol Region.

Inaabangan din concert performance ni Gary dahil sa unang pagakakaton, mag pe-perform siya ng kanyang mga hit songs kasama ang full band sa isang intimate dinner sa Shangrila BGC sa February 14 & 15. 

Till I Met You The Concert with Kuh Ledesma

012317-CONERT2_PUSH.jpg

Balik Valentine's Day concert naman si Kuh Ledesma sa Teatrino Greenhills para sa Till I Met You the Concert. 

Inaasahan na aawitin ni Kuh ang kanyang mg classic hits gaya ng “I Think I'm In Love,” “How Did You Know” at ang “Till I Met You.”

Masquerade featuring Martin Nieverra & Lani Misalucha

012317-CONERT3_PUSH.jpg

Sanib pwersa naman si Concert King Martin Nieverra at ang Asia's Nightingale Lani Misalucha para sa kanilang concert ngayong Valentine's Day sa Grand Ballroom ng Solaire. 

Inaasahan na aawitin ni Martin at Lani ang kanilang mga sikat na hit songs na lalong mag papa kilig sa mga manunuod gaya ng “Be My Lady,” at “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.”

Love Throwback 2 featuring Ariel Rivera, Hadji Alejandro, Joey Generoso, Jinky Vidal, Christian Bautista & Nina 

012317-CONERT4_PUSH.jpg

Balik concert naman ngayong Valentine's Day ang Love Throwback kung saan makakasama ang ilan sa dekalibreng OPM artists. Asahan ang ultimate throwback music na sumikat noong 90s  from Ariel Rivera, Hadji Alejandro, Joey Generoso, Jinky Vidal, Christian Bautista at Nina sa PICC Plenary Hall.

Pusuan mo si Vice Ganda sa Araneta (Nag Mahal, Na Saktan, Nag-Concert) 

012317-CONERT5_PUSH.jpg

Masayang Valentine's Day concert naman ang handog ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda sa Araneta Coliseum. Inaasahan ng uulanin ng mga ngiti ang mga manunuod sa concert ng “It's Showtime” host.