• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: JC Santos reveals what he will miss from ‘Till I Met You’

EXCLUSIVE: JC Santos reveals what he will miss from ‘Till I Met You’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/22/2017 10:24 AM
EXCLUSIVE: JC Santos reveals what he will miss from ‘Till I Met You’


012217-JCSantos_PUSH.jpgMalungkot si JC Santos na natapos na ang teleseryeng Till I Met You ng Dreamscape Entertainment na pinagbibidahan din nina James Reid at Nadine Lustre na nag-launch ng career niya sa telebisyon bilang actor. Ano nga ba ang nararamdaman niya sa nangyari?

“Separation anxiety. Kasi six months straight na hindi ako nagbakasyon. Ang dami kong sinacrifice for this teleserye. Hindi nga ako halos nagpahinga kahit Pasko. And sobrang… kasi nung wala na akong taping, gigising ako ng alas-5 ng umaga kasi kala ko magte-taping na ako, pero wala na pala.

“Kailangan ko na palang mag-move-on to the next role and yon, I’m planning to reinvent kasi kailangan kong i-shake-off yung karakter ni Ali,” pahayag ni JC.

Nakausap ng Push.com.ph si JC sa media conference ng pelikula niyang Sakaling Hindi Makarating na pelikula ni Direk Ice Idanan na showing sa February 1. Kasama niya sa pelikula sina Pepe Herrera at Alessandra de Rossi.

Ayon pa kay JC, marami siyang memorable scenes sa Till I Met You, pero ang mga eksena raw niya kina Pokwang at Robert Seña ang masasabi niyang very unforgettable.

“Tuwing may mga eksena ako kasama ng pamilya ko—si Robert Seña and Miss Pokwang—sila yung lagi kong nilo-look forward. Lagi akong kinakabahan, lagi akong nai-stress pag alam kong eksena na namin yung gagawin.

“And for some reason, kapag nando’n na, hindi ko na pala kailangang mag-worry kasi sobrang galing nila. Kaharap ko pa lang sila, naiiyak na ako. Tumatawid na mahal namin yung isa’t isa, so memorable sa akin yung dalawa,” kuwento ni JC.

Dagdag pa ng actor, “Sabi ko nga, ‘kayo yung nagpabago ng point of view ko towards TV.’ Puwede pa rin palang maging ganito, akala ko it’s all technical and what they gave me is very truthful and para na kaming pamilya.”

Eh, ano ba ang mga mami-miss niya sa Till I Met You?

“Ay naku, napakadami po,” buntong-hininga niya.

“Pinakama-miss ko si James at Nadine. Sila yung tumulong sa akin para mapunta dito sa karakter ko (as Ali). Sila yung sumuporta ng pagbibigay buhay sa karakter ni Ali.

“At mami-miss ko si Direk Tonet (Antoinette Jadaone) kasi pangarap ko siyang makatrabaho as in matagal na matagal na. Tapos nakatrabaho ko na siya finally. Tapos nalaman ko yung proseso niya, so sobrang proud ako na, ‘wow, Direk, nagawa natin, nahatid natin yung kuwento ni Ali.’

“Na-miss ko rin yung Greece kasi don kami nabuo, eh. Don nabuo yung friendship namin talaga,” kuwento pa niya.

Naunang nag-last taping day si JC for the teleserye pero nakapagpasalamat daw naman siya kina James at Nadine sa opportunity na ibinigay sa kanya.

“Ako nag-last day na, sila hindi pa. Natapos na kasi lahat ng kailangan kong kunan so natapos ako kaagad saka maliliit na lang yung mga eksena ko. Pero bago yon, niyakap ko na lang silang dalawa nang mahigpit, ‘magkikita pa rin tayo ha, friends pa rin tayo ha.’ Ayun, love na love ko yung dalawa, eh,” sey pa ni JC.

Ano ba ang susunod niyang TV assignments?

“Wala pa po. Hindi ko pa alam kung ano yung plano sa akin ng ABS-CBN. Pero kung anumang mangyari, may pelikula naman po akong ipapalabas, ito ngang Sakaling Hindi Makarating, tapos meron din po akong pelikulang gagawin (sa Star Cinema),” nakangiti niyang pagtatapos.