• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman reveals movie with Alex Gonzaga might not push through

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman reveals movie with Alex Gonzaga might not push through

The actor is also set to release his album under Star Music this year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/23/2017 12:41 AM
EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman reveals movie with Alex Gonzaga might not push through


012317-EdgarAllanGuzman_PUSH.jpgSa interbyu namin kay Edgar Allan Guzman sa presscon ng latest movie niyang “Tatlong Bibe,” tinanong namin ang binata kung ano ang dahilan at bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nare-release ang album niya sa Star Music.

“Oo nga, eh. Yun nga rin ang pinag-uusapan namin. Siyempre, nawala na yung momentum para sa ‘Your Face (Sounds Familiar).’ Pero kasi, ayaw lang namin na pucho-pucho. Sinigurado lang namin na mapapansin din ng mga tao.

“Namili kami ng mga songs na pang-masa, tapos may revival din ako at may upbeat din, para nando’n na sa isang album,” rason pa niya.

Ita-timing daw nila ang paglabas ng album after ng “Doble Kara” series.

“Balak namin after ‘Doble Kara’ saka ilabas yung album, para may follow-up din. Kasi after ‘Doble Kara’ wala pa akong bagong show, eh… wala pang next, eh. Gusto namin after ‘Doble Kara’ meron pa ring pag-uusapan sa akin,” sabi pa ng binata.

Eh, kmusta ang pelikula nila ni Alex Gonzaga na “I’ll Never Get Over You.” Matutuloy pa ba ito?

“Hindi na… hindi ko alam. Wala na akong balita, parang… Naka-nine shooting days na ako don. As of now, wala pa akong balita.

“Pero last year, ang sabi nila ire-revise yung script. Nag-stop kami ng shoot. Sad kasi… wala, eh, ganu’n talaga,” may panghihinayang niyang pahayag sa Push.com.ph.

Hindi ba siya napu-frustrate kapag hindi natutuloy ang naka-lineup niyang project?

“Siyempre napu-frustrate din,” pag-amin ni EA. “Nagtatanong din ako sa sarili ko kung bakit, di ba? Ako naman, feeling ko naman wala naman sa amin yung problema and wala rin naman siguro sa artista, so, yon lang yon,” patuloy niya.

Pero naiintindihan naman daw niya ang mga pangyayari sa showbiz.

“Ganun talaga dito sa industriya natin. Merong matutuloy, merong sigurado at merong hindi, di ba? Kumbaga, kung hindi talaga para sa iyo, hindi talaga para sa ‘yo. Sanay na rin naman kasi ako sa ganu’n.

“Ako naman kasi kapag nagkaroon o magkakaroon ako ng project hindi ako nag-i-expect, eh. Na tipong, ‘Ay, ganito na, kailangan ito yung kikitain ko.’ Walang ganun. Kumbaga, once may assurance na ipapalabas na talaga do’n pa lang ako aasa. Pero yung pagka-ganu’n pa lang hindi ako nag-i-expect, hindi rin mas masakit,” pahayag pa ni EA.

Samantala, kasama ni EA sa “Tatlong Bibe” na idinirek ni Joven Tan sina Rita Avila, Mommy Dionisia Pacquiao, Eddie Garcia, Lyca Gairanod, Marco Masa at Raikko Mateo.