• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Alessandra de Rossi admits she is ‘afraid’ of kissing scenes and sexy roles

Exclusive: Alessandra de Rossi admits she is ‘afraid’ of kissing scenes and sexy roles

The versatile actress admits she has yet to fulfil her dream role in a movie or TV project.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/23/2017 12:40 AM
Exclusive: Alessandra de Rossi admits she is ‘afraid’ of kissing scenes and sexy roles


012317-AlessandraDeRossi_PUSH.jpgIkinatuwa ni Alessandra de Rossi na hindi siya deglamorized  sa pelikulang “Sakaling Hindi Makarating” ng Unitel Production under the direction of Ice Idanan na magkakaroon ng nationwide showing on Feb. 1.

“Malayo ito sa mga dati kong ginawa. Kasi kahit paano, lahat ng ginagawa ko dati medyo deglam ako di ba -- labandera, maid, teacher. Ito naman, pa-art naman ng konti. May color yung hair ko, mas mabilis siyang magsalita, hindi masyadong kailangang malumanay kasi hindi naman siya api,” pagtatapat niya.

“Dito taga-UP siya, matalino tong character. Ibigay n’yo na sa akin at bigyan n’yo siya ng chance. Pero natuwa ako kasi bihira lang yung sobrang lapit (sa personality ko). Pati pananamit, eh. Sabi nga ng kapatid ko, ‘Uy, maganda ka sa movie, in fairness.’ Yung kumbaga, maiba lang siya. Kasi pang-leading lady na kasi yung path ko, eh,” sabay tawa niya nang malakas.

Inamin din ng aktres na gusto niyang makagawa ng pelikula na magpapakita ng kanyang kagandahan.

“May mga moments, like kapag nakakakita ako ng isang movie na maganda na gawang Pinoy, ‘Uy kaya ko yon, ha. Sana ako na lang yon kasi kaya ko naman na mas maganda pa do’n, charot!” pabiro niyang pahayag.

“Pero naiintindihan ko naman kasi. Nata-typecast ka, eh. Wala naman akong magagawa don. Tsaka ako naman, sobrang saya ko sa lahat ng binibigay sa akin whether drama yan, komedi, wag lang paseksi kasi hindi ko talaga keri yon, sori.

“Pero bukod don, kahit anong ipagawa mo sa akin, patatalunin mo ako sa bangin, pag-motorin mo ako, game na game ako.”

Takot naman siyang maging leading lady sa pelikula dahil sa kissing scene.

“Pag leading lady kasi may mga kissing scene yan, eh. Pero masayang-masaya naman ako kung anuman yung meron ako.  Never akong nagreklamo… okay ako.

Eh, ano nga ba ang ultimate dream role niya?

“Sirena. Gusto kong maging sirena. Ayoko naman ng kontrabidang sirena, gusto ko yung maganda ako,” pag-amin niya.

Samantala, may love scene si Alessandra kay JC Santos sa “Sakaling Hindi Makarating.” Paano ba siya napapayag na gawin ito?

“Kasi pagkabasa ko ng script, yon talaga ang tinawag ko agad kay Ice (director). Sabi ko, ‘I love it, I love it, I love it, but wait. Meron kasing scene dito na parang di ko mabibigay yung best ko.’

“Kumbaga, sa movies kasi ayokong nako-compromise yung ganda ng istorya kung hindi kaya ng artista huwag mo na lang gawin. So, sinasabi ko, umpisa pa lang na hindi ko kaya itong eksenang ito. So, it’s either i-tone down mo siya or maghanap ka ng artistang gagawin yung best niya. Sabi naman niya, ‘Ako ang bahala girl, ako din naman, hindi rin comfortable na magpakita ng mga ganu’n.’

“Naniniwala akong hindi mo siya talaga kailangang ipakita. Yung i-insinuate mo lang yung pangyayari pero yung i-literal natin, hindi naman na kailangan kasi conservative ang family namin,” pabirong pagtatapos ni  Alessandra.