The evolution of the Miss Universe Crown

PUSH takes a look at what makes a crown fit for a Miss Universe.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/21/2017 9:54 AM
The evolution of the Miss Universe Crown


012117-PiaWurtzbach_PUSH.jpgGaya ng history ng Miss Universe, ang pinakasikat na beauty pageant sa mundo, makulay din ang naging pagpapalit-palit o evolution ng korona ng Miss Universe na ilang beses ng na enhance at napalitan.

Ang present crown na suot ng reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang DIC Crown, ay mayroong estimated na halagang 300 thousand US dollars. Gawa ito ng Diamonds International Corporation na isang Czech Company. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng korona bago ito nagawa. Ang sketch pa lang at approved design ay umabot na ng apat na buwan. Inspired ang korona ng Manhattan skyline sa New York kung saan naka-base ang Miss Universe Organization. Sampung tao ang gumawa ng crown na mayroong 311 diamonds, 5 blue topazes, 198 blue sapphires, 33 crystals, at 220 grams ng gold at may total weight na 411 g. Ang Miss Universe 2014 na si Paulina Vega mula sa Colombia ang una nagsuot ng korona na ipinasa kay Pia Wurtzbach.

2009 hanggang 2013 ang Diamond Nexus Labs ang gumawa ng korona ng Miss Universe na nag simbulo naman sa HIV AIDS education platform na gawa sa 1,371 gemstones, pinaghalong 14k at 18k na white gold at platinum, 1000 precious stones, 555 white diamonds, 375 cognac diamonds, 10 smokey quartz crystals, at 19 morganite gemstones. Ang kulay at itsura ng korona ay sumisimbulo sa umuunlad na pamumuhay sa bansang Vietnam.

Isang taon lang nagamit ang Miss Universe crown na lumabas noong 2008 na may halagang 120 thousand US dollars. Gawa sa 18k white and yellow gold na may 555 diamonds, 375 cognac diamonds, 10 smokey quartz crystals, at 19 morganite gemstones. Sinisimbulo nito ang umuunlad na buhay sa Vietnam na host country ng taong iyon.

Mula 2002 hanggang 2007, ang Mikimoto ang designer ng korona na nagsi-signify sa "Phoenix rising" at mataas na status ng power at beauty. Gawa ito sa 500 diamonds at 120 pieces ng south sea at akoya pearls na may total value na 250 thousand US dollars.

Pinaka-iconic at sikat ang korona na unang nakita noong 1963 na may woman figure centerpiece. Ito ang korona na isinuot sa Pinay Miss Universe na sina Gloria Diaz (1969) at Margarita Moran (1973) ito ang pinaka matagal na crown design na ginamit ng Miss Universe na tumagal ng 38 years hanggang 2001. Ginagawan din ng replica ang outgoing title-holder bilang souvenir para sa kanya ng beauty search at ang original ang inilalagay sa ulo ng bagong winner.

1952 at 1953, nag resemble ang Miss Universe crown sa 19th century royalty na nagbago ng design 1954 hanggang 1960 at 1961 hanggang 1962.

Sa January 30, malalaman na kung sino ang 65th na babae na tatanghalin bilang bagong Miss Universe.

012117-MissUniverseCrown1_PUSH.jpg

012117-MissUniverseCrown2_PUSH.jpg