• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jake Cuenca says it a ‘new world’ to co-produce a Cinemalaya film

EXCLUSIVE: Jake Cuenca says it a ‘new world’ to co-produce a Cinemalaya film

Jake Cuenca calls his indie film a ’passion’ project.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/21/2017 9:57 AM
EXCLUSIVE: Jake Cuenca says it a ‘new world’ to co-produce a Cinemalaya film


012117-JakeCuenca_PUSH.jpgHindi raw na-imagine ni Jake Cuenca na maging isang triathlon athlete na katulad ng role niya sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

“Sabi ko nga, nung tinanggap ko yung role na ito tawa ako nang tawa. Sabi ko, never kong makikita ang sarili kong gawin yan. I mean, I’m an athlete, pero triathlon I said, no way, hindi ko kaya.

“Pero ang dami kong napapatunayan sa sarili ko, kaya rin ano, eh, blessing din na naging single ako. Kasi ang hirap ding gawin ng triathlon kung meron kang ano… It’s an investment of time, minsan hindi ka na mapakinabangan kasi nasa bahay ka na, nakahilata ka na lang, wala nang magawa,” kuwento sa Push.com.ph ni Jake na leading man ni Angeline Quinto sa pelikulang Foolish Love ng Regal Entertainment na showing on January 25.

What’s in store ba for Jake ngayong 2017?

“Itong Foolish Love saka Ikaw Lang Ang Iibigin na malapit na rin sa ABS-CBN. May iko-co-produce din akong pelikula sa Cinemalaya, yung Requited, first time kong mag-co-produce ng pelikula,” balita niya.

Patuloy pa ng actor, “it’s a different world to co-produce my own movie. Parang may ibang… nagbago tuloy yung… alam mo yung tinitingnan mo na siya from a different angle, yung paggawa ng pelikula. So, sana suportahan n’yo rin ako.

“Nag-cast na rin kami ng girl, si Anna Luna na, so, sana tulungan n’yo kami. Magsu-shoot kami first week of Feb. Okey na yung budget, eh, nakuha na namin.”

Ayon pa kay Jake, ang Requited is a bike movie from Manila to Mindanao.

“Isang mahabang lock-in siya na isu-shoot namin for the whole of Feb. It’s my first time to venture out in co-producing. More or less, parang passion picture ko ito,” pagmamalaki pa ng actor.

Bakit ba siya napa-oo na maging co-producer ng Requited?

“I love the story. Pinadala sa akin yung script, obviously it’s an indie movie, the budget is not as big or siyempre, there are certain things na hindi ma-afford. I love the script so much kaya willing akong mag-invest,” sey pa ng actor.

Samantala, bukod kay Angeline, ilo-launch din sa Foolish Love ang tambalan nina Tommy Esguerra at Miho Nishida popularly known as Tomiho. Ang pelikula ay sa direksyon ni Joel Lamangan.