• Home
  • Fresh Scoops
  • Dayanara Torres & Sushmita Sen are among those we should expect at the 65th Miss Universe pageant

Dayanara Torres & Sushmita Sen are among those we should expect at the 65th Miss Universe pageant

More surprises are coming in the Miss Universe pageant on January 30 at the Mall of Asia Arena.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/21/2017 3:30 PM
Dayanara Torres & Sushmita Sen are among those  we should expect at the 65th Miss Universe pageant


012117-DayanaraSushmita_PUSH.jpgDayanara Torres & Sushmita Sen are among those  we should expect at the 65th Miss Universe pageant.Sa patuloy na Miss Universe fever sa Pilipinas, patuloy din ang pasabog na mga surpresa mula sa prestigiyosong pageant na talagang sinusubaybayan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Dahil dito inaasahan din ang malalaking pangalan na unti-unti nang nagdaratingan dito sa Pilipinas upang magkaroon ng espesyal na partisipasyon sa gaganaping pageant sa January 30 sa Mall of Asia Arena.

Kamakailan inanunsyo ng Miss Universe Organization ang kompirmasyon na ang Emmy award winner host na si Steve Harvey ang magiging pangunahing host ng pageant sa bansa.

Kabilang din sa inaabangan ang magiging performance ng American singer at songwriter na si Flo Rida na magpapa buhay ng performance ng mga kababaihan na raramapa coronation night.

Hot topic din ngayon ang naging kumpirmasyon ng 2015 Miss USA na si Olivia Jordan sa muli niyang pag bisita sa Pilipinas. Si Olivia ay kilala din bilang malapit na kaibigan ng reigning Miss Universe queen Pia Wurtzbach.

Sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ang kanyang magiging role sa pageant pero inaasahan ang kanyang pagdating sa bansa anu mang araw bago ang pageant.

Kumpirmado din ang pagba-balik Pinas ng 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres.

Malapit sa Pilipinas ang former Miss Universe Queen dahil sa kanyang pananatili sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang reign sa Miss U noong 1994, sumikat at lalong nag ningning ang career ni Dayanara sa naging tambalan nila ni Aga Mulach sa Basta't Kasama Kita at ilan pang TV shows sa ABS-CBN.

Bukod kay Dayanara, nag post na rin sa kanyang Instagram account ang 1994 miss Universe na si Sushmita Sen ng kanyang pagbabalik sa bansa na mas lalo pang nagdagdag ng excitement sa pageant fans.

Matatandaan na si Shusmita Sen ang kinoronahan noong 1994 Miss Universe pageant sa bansa kung kaya malapit sa puso ng first Indian beauty ang Pilipinas.

Sa ngayon wala pang malinaw na kumpirmasyon mula sa MUO kung ano ang magiging role ni Dayanara at Shusmita sa coronation night