• Home
  • Fresh Scoops
  • Xyriel Manabat is grateful that she still gets acting jobs even during her awkward stage

Xyriel Manabat is grateful that she still gets acting jobs even during her awkward stage

Xyriel Manabat says she is focused on her studies for now.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/20/2017 9:44 AM
Xyriel Manabat is grateful that she still gets acting jobs even during her awkward stage


012017-XyrielManabat_PUSH.jpgMasaya ang child actress na si Xyriel Manabat ng nakapanayam natin ito sa press conference ng kanyang pinagbibidahang pekikula na Ilawod.

Nakilala at nagbida sa mga primetime good vibes teleserye si Xyriel gaya ng 100 Days To Heaven kung saan umani siya ng mga papuri at parangal.

Dahil likas ang galing ng bata sa pag-arte, hindi ito nawawalan ng offer sa network, kahit na nagdadalaga na ito.

"Mayroon po akong ginagawang teleserye ako po ang gaganap as young Maja Salvador po o si Lily sa Wildflower."

Madalang man ang proyekto, abala naman si Xyriel sa kanyang pag-aaral na kanyang prioridad sa ngayon.

"Kung mayroon pong show okay naman po kung wala long show. Focus lang po muna studies, kapag may dumarating po, get lang po and received. Bahala na po si God pero ang alam ko po para daw po malagpasan ang awkward stage. Kailangan daw po muna mag pahinga tapos babalik po."

Malaki din ang pasasalamat ng child actress sa Panginoon para sa mga biyayang kanyang natatanggap sa araw-araw at higit sa lahat sa kapamilya network na patuloy ang tiwala sa kanyang kakayanan sa pag-arte.

"Thankful po ako ng sobra kay God po kasi mayroon po akong everyday na pagkakataon para po mabuhay and hindi po ako nauubusan ng mga blessings and everyday po kasama ko po an family ko. And thankful din po ako kahit na nagpapahinga po ako mayroon pong dumarating na mga projects at may nagtitiwala pa din po sa akin," pagtatapos ni Xyriel.