• Home
  • Fresh Scoops
  • Robert Seña says he will miss working with ‘Till I Met You’ family

Robert Seña says he will miss working with ‘Till I Met You’ family

Robert Seña also has a message for Pinoys in the musical ‘Miss Saigon’ in London.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/20/2017 9:46 AM
Robert Seña says he will miss working with ‘Till I Met You’ family


012017-RobertSena_PUSH.jpgMuling nagbabalik entablado ang original concept ng stage musical na Dirty Old Musical kung saan bida muli sila Nonie Buencamino, Carlo Orosa, John Arcilla, Bo Cerrudo at Robert Seña.

Aniya, asahan ang mas masaya at mas pulidong mga kantahan at sayawan sa kanilang pagbabalik.

"Parang bago ulit sa amin, so we have to rehearse again yun nga bago ang cast member with Carlo Orosa kasi medyo kailangan talaga namin na paghandaan para sa mas pulido kaming mga boys and yung flow ng story mas naging mas malalim," panimula ni Robert.

Bukod dito, naibahagi din ni Robert ang mga dapat abangan sa pagtatapos ng Till I Met You.

"Asahan ang happy ending sa lahat ng character doon. Lahat naging masayang kaya maganda ang ending, yung character ko naman doon unti unti ko ng natanggap si Ali [as] my son kaya lahat masaya," ani pa ni Robert.

Sabi pa ni Robert namami-miss daw niya ang kanyang buong pamilya sa TIMY lalo na si Pokwang at JC Santos na tumtatayong pamilya niya.

"Yung aking pamilya, si Pokwang, JC. Siyempre working with JaDine. Nakakatuwa din kasi yung mga stories ng teleserye ngayon, mas interesting na mas may laman at may take home ka palagi. Yun ang importante yung may natututunan ka palagi sa napapanuod mo."

Samantala, labis din ang saya ni Robert para sa mga pinoy performers sa West End ng Miss Saigon kung saan isa sya sa mga pioneer na pinoy artist na gumanap dito noon kasabay ni Lea Salonga.

"Nakakatuwa kasi mga Pinoy na naman ang magbibida ngayon. Dati may mga halo pa na foreign blood ngayon masasabi natin na purong pinoy na talaga lahat from Engineer, Gigi, Kim, and Thuy."

Pagbabahagi ni Robert, hinding-hindi niya malilimutan ang kanyang karanasan sa West End dahil sa ito ang nag angat sa kanyang karera hanggang sa kasalukuyan.

"Hindi ko na yan makakalimutan kasi isa ang Miss Saigon sa mga nakatulong sa career ko at talagang natuto ako sa Miss Saigon. Kaya Guys make us proud and we will pray for you and make us Filipino proud," Pagtatapos ni Robert.