• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, Julia Barretto, Alessandra de Rossi on becoming beauty queens

Maja Salvador, Julia Barretto, Alessandra de Rossi on becoming beauty queens

Maja Salvador, Julia Barretto, Alessandra de Rossi speak up about joining beauty contests.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/19/2017 9:55 AM
Maja Salvador, Julia Barretto, Alessandra de Rossi on becoming beauty queens


011917-Celebrity_PUSH.jpgDahil tutok ang sambayanan sa 65th Miss Universe activities na nagaganap sa iba’t-ibang parte ng bansa, nagkuwento ang ilan sa hinahangaang personalidad na minsan din sumagi sa kanilang mga ambisyon na maging isang beauty queen.

Una na si Maja Salvador na nangarap na sumali sa isang beauty search pero tanggap niya na kulang ang kanyang taas para mapansin sa competition.

"Kulang sa height! (Laughs) kahit gustuhin ko bitin sa height! Siguro ano, nakakatawa kung sabihin ko na ‘oo’ pero kasi alam mo minsan kailangan gising tayo sa realidad eh kung ano ang para sa iyo talaga," kuwento ni Maja.

Si Julia Barretto naman, kuntento na sa pagiging artista kahit na marami ang nagpapahapyaw sa kanya na pwede siyang ipasok sa isang beauty contest. Nagbiro pa si Julia na ang character niya bilang "Kath" sa Vince and Kath and James movie ay sumali sa isang campus beauty search.

"Kasi kalahati lang ng legs ko ang legs nila eh (laughs) kalahati lang kasi! Si Kath oo sumali siya doon na lang ako sa Miss Engineering hindi ako pang Miss Universe!" sabi pa ni Julia.

Ang mahusay na aktres na bida sa pelikulang Sakaling Hindi Makarating na si Alessandra de Rossi, naunahan ng takot kayat di na tumuloy sumali sa isang beauty contest.

"Marami ang nagsabi sa akin noon siguro mananalo ka sa Miss Universe, sumali ka ganyan kasi maganda kulay mo! Pero ang totoo nun, hindi ko kaya! May stage freight talaga ako!" pagtatapos ni Alessandra.