Is Judy Ann Santos returning to TV soon?

Judy Ann Santos posts an Instagram photo of her meeting with ABS-CBN bosses.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/19/2017 10:19 AM
Is Judy Ann Santos returning to TV soon?


011917-JudyAnnSantos_PUSH.jpgMaraming fans ang nasabik nang ibahagi ng Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos sa kanyang social media account ang kanyang pakikipag meeting sa mga kapamilya bosses na naganap nitong January 18.



Dahil dito umugong ang spekulasyon ng mga followers ni Juday na tila magbabalik trabaho na ito matapos niyang magsilang sa kanyang bunsong anak na si Luna.

Matatandaan huling gumawa ng proyekto si Juday sa ABS-CBN noong 2013 para sa Master Chef Pinoy at sa teleseryeng Huwag ka lang Mawawala kung saan naka pareha ni Juday si Sam Milby.

Sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ang maaring maging bagong proyekto ni Juday sa kapamilya network.